Mga pelikula nina Vice, Aga, Coco, at Vic bokya sa awards, panalo naman sa box office

by PEP Troika
Dec 30, 2019
Walang napanalunang awards sa MMFF 2019 Gabi ng Parangal ang mga pelikula nina Vice Ganda, Aga Muhlach, Coco Martin, at Vic Sotto pero ito naman ang mga nangunguna sa box-office race.

JERRY OLEA

Kinabog na ba ng Miracle in Cell No. 7 ang The Mall, The Merrier sa pagiging topgrosser ng 45th Metro Manila Film Festival (MMFF)?

Wala pa tayong nakukuhang official ranking or grosses ng MMFF 2019. Ang mga naglalabasan ay pawang haka-haka lamang.

Kung ano’t ano man, wagi pa rin ang Viva Films at Kapamilya Network.

Pawang Kapamilya ang mga bida sa dalawang pelikula—Vice Ganda, Anne Curtis, Aga Muhlach, Bela Padilla, at Xia Vigor.

Viva ang producer ng Miracle in Cell No. 7, at co-producer ng ABS-CBN Star Cinema ang Viva sa The Mall, The Merrier.

E, ano kung ngangey sa awards ang apat na pelikulang nangunguna sa takilya?

Si Aga Muhlach, hindi maku-question ang husay bilang best actor.

Ang importante, kaya pa rin niyang magdala ng pelikula matapos ang disappointing results sa takilya ng recent movies niyang First Love with Bea Alonzo at Nuuk with Alice Dixson.

Humakot ng awards ang Mindanao at Write About Love noong Disyembre 27, Biyernes, sa MMFF 2019 Gabi ng Parangal sa New Frontier Theater, Araneta City, Quezon City.

Continue reading below ↓

Dumami na ba talaga ang mga sinehan ng mga ito?

Dinagsa na ba ng moviegoers ang mga sinehang pinagpapalabasan ng Mindanao at Write About Love?

Sa Gabi ng Parangal, itinanghal sina Aga at Carmina Villarroel (bida sa horror movie na Sunod) bilang Scratch It Lucky Stars of the Night.

Viva ang namahala sa programa ng Parada ng mga Bituin at Gabi ng Parangal, kaya Viva artists ang hosts at performers sa mga event na ito.

Sina Bela Padilla, Marco Gumabao, at Cindy Miranda ang hosts ng Gabi ng Parangal.

Kahit hindi nominado si Bela, maging ang Miracle in Cell No. 7 sa halos lahat ng kategorya, magiliw pa ring binati ni Bela on stage ang winners. Nag-congratulate siya.

NOEL FERRER

In fairness, nadagdagan ng mga sinehan ang Mindanao (katulad ng naunang 20 na isinulat na natin dito) at pati na Write About Love (na tinutulungan ng maraming cinemas).

Pero ang request, madagdagan pa sana lalo ang mga taong manonood.

Regarding Aga’s film na Miracle In Cell No. 7, pataas ang box-office gross nito and given more days, posible itong manguna sa box office because of good word of mouth.

In the spirit of truth, hindi pa rin totoo ang balitang nakaungos na siya. Pero posible, depende sa audience.

Ganoon pa rin ang standing ngayon ng walong official entries ng 45th MMFF.

We are counting on supporters of Filipino films to really watch the good films that we have lined up for them.

Katulad nga ng nauna ko nang nasabi, tayaan at panoorin natin ang mga pelikulang karapat-dapat ng ating parangal.

Puntahan natin ang mga sinehan at i-enjoy ang mga pelikula.

Ito ang suportang kailangan ng ating industriya, hindi ang hungkag na pagngangangakngak sa social media.

GORGY RULA

Nasa Trinoma kami ngayong hapon, December 30, para manood ng Mission Unstapabol: The Don Identity.

May dalawang sinehan ang Miracle in Cell No. 7 at parehong puno ito.

Continue reading below ↓

Tig-iisa na lang ang The Mall The Merrier, Sunod, 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon, at Mindanao.

Sabi nga ng takilyera, nagulat din sila sa lakas ng pelikula ni Aga Muhlach at lalo pa itong lumalakas.

Malaki ang tsansang maungusan nito ang The Mall The Merrier.

Kaya natutuwa ang close friends ni Aga na bumalik ang sigla nito sa takilya.

Nagtataka lang ako sa ibang pilit kinukuwestiyon ang paghakot ng awards ng Mindanao. Ano bang pelikula ang gusto nilang manalo?

Meron pang nang-intrigang ang gobyerno raw ang nag-finance sa pelikulang ito.

Nakausap namin ang ilang taong involved sa Mindanao, isinusumpa nilang si Direk Brillante Mendoza ang producer nito.

Hindi lang nila alam kung anong tulong ang hiningi ni Direk Brillante sa FDCP, pero si Direk daw talaga ang naglabas ng pera.

Ngayon pa lang ay kinukuwenta na raw niya ang cash prize na makukuha ng mga nagwagi sa Mindanao dahil, kahit paano, makakadagdag pa raw ito sa kikitain ng pelikula niya.

Continue reading below ↓

Sa ngayon kasi, hindi pa masabi ni Direk Brillante kung mababawi niya ang ipinuhunan niya sa pelikulang ito.

Mabuti at nagdagdag naman ng sinehan, pero parang mahirap pa ring maabot ang tina-target na kikitain nito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Walang napanalunang awards sa MMFF 2019 Gabi ng Parangal ang mga pelikula nina Vice Ganda, Aga Muhlach, Coco Martin, at Vic Sotto pero ito naman ang mga nangunguna sa box-office race.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results