Miracle In Cell No. 7, nangunguna na sa MMFF 2019 box-office race?

by PEP Troika
Dec 31, 2019
Miracle In Cell No. 7 na pinagbibidahan ni Aga Muhlach, patuloy na dinadagsa ng moviegoers at usap-usapang No. 1 na sa takilya.

GORGY RULA

Dalawang araw nang pinag-uusapang naungusan na ng pelikulang Miracle In Cell No. 7 ang The Mall, The Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis sa takilya, pero wala pang nagkukumpirma nito.

Kahapon, December 30, nakausap ko ang takilyera sa Trinoma Mall sa Quezon City at sinabi niyang lalo pang lumalakas ang pelikula ni Aga Muhlach.

Holiday pa naman kahapon, kaya inaasahang dadagsa ang moviegoers sa mga sinehan, pero hindi ganoon karami ang mga nanonood.

Ang Miracle In Cell No. 7 lang ang punung-puno ang dalawang sinehan sa Trinoma.

Kaya sabi sa amin ng mga tagaroon, posibleng nangunguna na ito sa box office.

Ngayong Disyembre 31, Martes, ipinarating sa amin ng reliable source ng PEP Troika na umabante na nang bonggang-bongga ang Miracle In Cell No. 7.

Ito na ang topgrosser at nilagpasan na ang The Mall The Merrier.

Totoo po ba ito, Sir Noel? Palaki na nang palaki na raw ang agwat?

Continue reading below ↓

Kaya tuwang-tuwa ang mga taga-Viva Films, lalo na si Aga na halos araw-araw ay nagpu-post ng pasasalamat sa Instagram.

Ngayong araw ang pinakahuling post ni Aga na nagsasabing, "As 2019 comes to an end, let me thank all of you for making This miracle happen.

"Maraming, Maraming salamat po sa inyong suporta at pagmamahal!!

"Here’s wishing you all a Happy new year!!! God bless you all and your loved ones! Happy new year!!

"MARAMING SALAMAT PILIPINAS!!!! CHEERS!!! Mahal Ko kayo!!!!"

Continue reading below ↓

NOEL FERRER:

In my official capacity bilang MMFF spokesperson, hindi kami puwedeng maglabas ng kahit na anong gross at ranking until after the duration of the film fest.

May kani-kanilang sources man ang mga tao o mga production outfit, nasa rules din para sa film producers na bawal ang direktang claim sa ranking.

In any case, maraming puwedeng matutunan sa pagdami ng viewers ng ilang pelikula.

Nandiyang naghahanap ang mga tao ng bagong mga panoorin at artista, at dapat hindi binibitawan ang pag-reach out sa audience.

Kaya naman todo ang effort nina Aga at Vice Ganda para mag-theater tour, pati na ang Write About Love team.

Gusto ko rin lang kunsyensiyahin ang ibang mga kahanay natin na ang ingay-ingay kung humiling ng dagdag na mga sinehan.

Ngayong ang dami nang nadagdag na theaters sa awarded films, maghikayat naman sana tayo ng mas maraming taong manood ng ating pelikula!!!

Sana mapuno naman natin ang mga hiniling nating mga sinehan, at mag-thank you man lang din sana at inaksyunan agad ang ating panawagan ng MMFF at ng ating theater partners.

Continue reading below ↓

Let 2020 be a year of THANK YOUs!

JERRY OLEA

Sa pitong sinehan ng Trinoma, dalawa pa rin ang nasa Miracle in Cell No. 7 ngayong Disyembre 31.

Good vibes lang si Aga Muhlach. Hindi siya Bitter Ocampo sa pagka-Lotlot de Leon bilang best actor sa 45th MMFF Gabi ng Parangal.

Nag-congratulate pa siya sa mga bumubuo ng Mindanao! Iwas-negatron. Positibo ang hatid ni Carmi Martin.

Ayan, tuluy-tuloy ang biyaya kay Aga at sa kanyang pelikula!

Teka... maski kaya sa international screenings, kabog ng Miracle in Cell No. 7 ang The Mall, The Merrier?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miracle In Cell No. 7 na pinagbibidahan ni Aga Muhlach, patuloy na dinadagsa ng moviegoers at usap-usapang No. 1 na sa takilya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results