Vice Ganda, hindi man nanguna muli sa takilya pero panalo naman ang love life

by PEP Troika
Jan 1, 2020
Vice Ganda with boyfriend Ion Perez during mall tour for their movie The Mall, The Merrier.

JERRY OLEA

You can’t have your cake (or beefcake, as the case may be for carnivores) and eat it, too.

Cliche, pero nagdudumilat na katotohanan.

Namumukadkad ang buhay pag-ibig ni Vice Ganda, ngunit hindi na ang pelikula niya ang topgrosser ng 45th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ganoon din ba ang kaso ni Maine Mendoza, na lubos ang ligaya sa piling ni Arjo Atayde?

No. 1 sa takilya ng MMFF ang pelikula ni Aga Muhlach na Miracle in Cell No. 7, pero hindi niya natamo ang tropeyo ng best actor. At least, hindi na niya kailangang magpa-party sa mga taga-media.

History repeats itself. Isa pang cliche, ngunit napatunayang muli sa MMFF 2019.

Nag-best actress si Nora Aunor sa Cairo International Film Festival noong 1995 para sa The Flor Contemplacion Story.

Kapagkuwan ay nag-best actress si Nora sa MMFF 1995 para sa Muling Umawit Ang Puso.

Nag-best actress si Judy Ann Santos sa Cairo International Film Festival 2019 para sa Mindanao. Kapagkuwan ay nag-best actress si Judy Ann sa MMFF 2019 for the same movie.

Continue reading below ↓

Marami ang humula na tatanghaling best actress si Vilma Santos sa MMFF 1978 para sa pelikulang Rubia Servios. Pero ang pinarangalang best performer ay si Nora Aunor para sa Atsay.

“Mamay, mali ang hula nila!”

Marami ang humula (kabilang ako) na si Aga Muhlach ang tatanghaling best actor sa MMFF 2019 para sa Miracle ni Cell No. 7, pero ang nagwagi ay si Allen Dizon para sa Mindanao.

Humakot ng awards ang Mindanao at Write About Love.

May mga um-Alma Moreno. Sour grapes. Bitter Ocampo. Hindi matanggap ang mga hagupit nina Carmi at Carmina.

What else is new?

NOEL FERRER

Nakaka-excite kung paano makitang masikhay pa ang bawat MMFF entry para makahikayat pa ng mas maraming manonood.

Maraming realizations actually.

Hindi husto ang ipakita ang dating gawi o ang nakasanayang nakikita na sa TV o sa mga dating pelikula.

Hindi puwedeng tumigil sa paglapit sa mga audience at magpasalamat sa kanila.

Continue reading below ↓

Marami tayong matututunan sa 45th MMFF experience. Asahan natin ang mga pagbabago at pag-unlad sa mga susunod pang festival.

#ItOnlyGetsBetter

GORGY RULA

Taun-taon naman ay may natututunan tayo tuwing Metro Manila Film Festival. Hindi na bago ang mga isyung hinaharap nito.

Maraming natutuwa at masaya sa tagumpay na tinamo ng mga nagwaging pelikula sa takilya at sa parangal. May iilang kumokontra, hindi na mawawala yun.

Ang mahalaga, wagi ang mga manonood!

Hindi na biro ang maglabas ng PHP300 para makapanood ng isang pelikula. Kaya inaasahang sa taong 2020 ay maging 20/20 na rin ang vision ng filmmakers natin kung ano talaga ang mga pelikulang gagawin para kagatin ng mga manonood.

Maging 20/20 na rin sana ang vision ng FDCP ni Madam Liza Diño sa kalagayan ng ating mga pelikula na ewan ko kung makakaahon pa.

Ang daming kanegahang naglalaro sa isip ko, kasi, kahit ano na lang ay ginagawa para kagatin ng mga manonood pero waley pa rin!

Continue reading below ↓

Itutuloy na ba ang Friday first day of showing? Ano ang dapat gawin? Ano ang mga hindi na kailangang gawin?

Sana magkaroon na ng paglilinaw sa mga isyu at problemang kailangang harapin.

Sana this time, magiging totoo na talaga ang laging sinasabi ng karamihang taga-movie industry na, “Mabuhay ang pelikulang Pilipino!”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda with boyfriend Ion Perez during mall tour for their movie The Mall, The Merrier.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results