Joem Bascon at Meryll Soriano, magkasamang sinalubong ang Bagong Taon

by PEP Troika
Jan 1, 2020
Kasama si Joem Bascon sa family picture nina Meryll Soriano sa pagsalubong ng 2020.
PHOTO/S: Allan Sancon

JERRY OLEA

Nagkakamabutihan ba muli sina Joem Bascon at Meryll Soriano?

Nagkagustuhan sila habang ginagawa ang Kapamilya teleseryeng I Love Betty La Fea (Setyembre 2008-Abril 2009), na pinagbidahan ni Bea Alonzo. Mahigit isang taon ang kanilang relasyon.

Noong Oktubre 2009 ay inamin ni Joem na hiwalay na sila ni Meryll.

Pitong taon na nakarelasyon ni Joem si Crisha Uy.

Nobyembre 23, 2019 nang dalirutin natin dito sa PEP Troika kung nagkabalikan na ba sina Joem at Meryll matapos magsama sa MMFF 2019 entry na Culion.

Sa presscon ng nasabing pelikula ay itinanggi nila iyon.

Sa MMFF 2019 Gabi ng Parangal noong Disyembre 27, Biyernes, saksi ang kaibigang Ogie Narvaez-Rodriguez na magkasamang umalis ang dalawa matapos tanggapin ni Joem ang award bilang best supporting actor para sa Write About Love, ang isa pa niyang entry sa filmfest.

Nominado si Meryll na best supporting actress para sa Culion, subalit kinabog siya ng katambal ni Joem sa Write About Love na si Yeng Constantino.

Continue reading below ↓

Dahil umalis na sina Joem at Meryll, hindi sila kasama sa Team Culion na tumanggap ng Special Jury Prize for ensemble acting.

At nitong Enero 1, Miyerkules, nag-post ang kaibigang Mel Martinez sa Facebook ng family pictures nila, kung saan nakipag-media noche sa kanila si Joem.

Kina Meryll sinalubong ni Joem ang 2020!

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Hintayin nating manggaling sa kanila ang kumpirmasyon. May sarili silang proseso at pinagdaraanan.

Magaganap ang lahat sa tamang panahon. Pero kung maging sila man ulit, isa ako sa magiging napakasaya, dahil kilala ko sila at alam mong may malalim silang paggalang at pagmamahal sa isa’t isa!

Happy New Year, Joem at Meryll.

GORGY RULA

Noong hindi pa nakumpirma ang breakup ni Joem at ng girlfriend nya, kumalat na ang tsismis na nagkabalikan sila ni Meryll. Pero itinanggi ito ni Joem.

Ngayon kaya ay magkakaaminan na?

Sabi nga, “Love is lovelier the second time around” kina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Malay natin, baka umepek din iyon kina Joem at Meryll.

Basta happy lang sila, yun ang importante sa lahat.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasama si Joem Bascon sa family picture nina Meryll Soriano sa pagsalubong ng 2020.
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results