Anne Curtis, excited nang makita ang anak ni Solenn Heussaff

by PEP Troika
Jan 1, 2020
Anne Curtis on Solenn Heussaff giving birth to a baby girl: Can't wait to meet her!!! "
PHOTO/S: Instragram

GORGY RULA

Pinuno ng pagbati ang Instagram post ni Solenn Heussaff matapos niyang maluwalhating nairaos ang pagluwal sa first baby nila ni Nico Bolzico nitong Enero 1, Miyerkules, 9:35 A.M.

Karamihan ay Kapuso stars ang kaagad na nagbigay ng mensahe na nagku-congratulate sa kanya.

Ilan sa kanila ay sina Megan Young, Gabbi Garcia, Benjamin Alves, at ang co-host nya sa Taste Buddies na si Rhian Ramos.

Ang isa sa excited na makita ang kanyang baby girl ay ang sister-in-law niyang si Anne Curtis.

Sabi ng Kapamilya actress-TV host, “Can't wait to meet her!!! Congratulations you two!!! @nicobolzico and strong mama @solemn"

Continue reading below ↓

May mga nag-comment tuloy na inaabangan na rin daw nila ang turn ni Anne sa panganganak.

Ang nakuha ko pang impormasyon mula sa manager ni Solenn na si Leo Dominguez, iniluwal ni Solenn ang baby niya through caesarean section, at may timbang na 3.1kg na pinangalanan nilang si Thylane Katana.

Congratulations sa bagong Mommy Solenn at Daddy Nico Bolzico!

NOEL FERRER

Ang suwerte naman! New Year baby!

Sana nga ay magdala ito ng ibayong swerte sa mag-asawang Solenn at Nico!

At sana, reminder itong batang ito sa showbiz na mas masayang mag-focus sa mga masasaya at positibong balitang tulad nito!

Marami pang kasunod itong batang ito sa showbiz, pihado.

Happy happy, doble doble sa ating lahat!

JERRY OLEA

Bagong taon, bagong sanggol! Mabuhay!

Mabuting balita, nawa’y makamit natin ang mga biyaya ng Panginoon!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anne Curtis on Solenn Heussaff giving birth to a baby girl: Can't wait to meet her!!! "
PHOTO/S: Instragram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results