Total box-office sales ng walong MMFF 2019 entries, hindi pa umabot ng P650M?

by PEP Troika
Jan 2, 2020
Ayon sa isang source, naka-PHP235M na ang box-office sales ang nangungunang MMFF entry na Miracle in Cell No.7. Sumunod ang The Mall, The Merrier na sinasabing tumabo ng PHP230M.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

GORGY RULA:

Totoo kayang hindi pa sumampa sa PHP650M ang kinita ng walong pelikulang kalahok sa 45th Metro Manila Film Festival (MMFF)?

Alam kong ayaw mong sagutin ito, Sir Noel, bilang bahagi ka ng Executive Committee ng MMFF.

Pero ito lang ang nasagap kong impormasyon kaugnay sa box-office results ng MMFF 2019.

Hindi po official ang resultang nakuha ko, dahil ayaw ring kumpirmahin sa akin ng ilang producers.

Nangunguna raw ang Miracle in Cell No. 7, na naka-PHP235M na as of January 1, Wednesday.

Sumusunod ang The Mall The Merrier na kumita raw ng PHP230M, at pumangatlo ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon ni Coco Martin na naka-PHP75M.

PHP60M naman ang Mission Unstapabol: The Don Identity nina Vic Sotto at Maine Mendoza.

Ilang milyon lang ang lamang ng Miracle sa The Mall, pero sabi ng ilang napagtanungan namin, mahirap na itong mahabol ng pelikula ni Vice Ganda para bumalik sa number one dahil hindi na ito gaanong pumapalo sa takilya.

Continue reading below ↓

Unlike sa pelikula ni Aga na palakas pa nang palakas!

Sa pag-iikot ko sa ilang sinehan, ang Miracle In Cell No. 7 pa rin ang mas puno. Hindi na umabante ang ilang pelikula.

Halos magkadikit ang nasa number one at two topgrossers, at malayo ang mga ito sa third at fourth slot. Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Ang mas nakakalungkot, napakalayo na ng panglima na Sunod, na naka-PHP15M pa lamang.

Hindi ko na muna ibibigay ang figures ng ibang mga pelikula dahil mababa na talaga.

Meron pang naka-PHP1.5M pa lang, at mahirap nang umangat pa ito dahil nawawalan na ng mga sinehan.

Nakakatakot ang ganitong senyales, lalo na’t meron na tayong Metro Manila Summer Film Festival ngayong taon.

Ano kaya ang magiging kapalaran ng mga pelikulang kalahok dito?

NOEL FERRER:

Katulad noong mga nakaraang taon, ilalabas ng MMFF Execom ang resulta pagkatapos ng duration ng buong festival.

At tulad din ng mga nauna nang naipalabas nang pahayag, "At this point when some of the theaters in Mindanao are still closed because of the earthquake, and our people in the Visayas would rather attend to their rehabilitation after the typhoon than watch movies, realistically, it would be hard to surpass last year’s record gross in the box office.

Continue reading below ↓

"But nevertheless, we continue to celebrate the artistic harvest in this year’s Metro Manila Film Festival.

"We are counting on your support so that more films will reach a wider audience.”

Tayaan at panoorin natin ang mga pelikulang karapat-dapat ng ating parangal. Puntahan natin ang mga sinehan at i-enjoy ang mga pelikula.

Ito ang suportang kailangan ng ating industriya, hindi ang hungkag na pagngangangakngak sa social media lamang.

Kung naibigay na natin sa mga tao ang mga magagandang pelikulang dapat nilang tangkilikin at nabigyan na ng mga dagdag na sinehan ang mga humiling ito— at ganito ang resulta—sino kaya ang nagkulang?

Again, as I always say, let’s stop complaining. Put your money where your mouth is.

JERRY OLEA:

Panonoorin ng mga tao ang mga pelikulang gusto nilang panoorin, kesehodang zero ang mga ito sa tropeyo.

Ang Top 4 sa takilya ng 45th MMFF ay pawang nganga sa Gabi ng Parangal.

Continue reading below ↓

Ang Bottom 4 sa box office ang naghati-hati sa mga tropeyo, ngunit nanatiling hilahod ang mga ito sa suporta ng moviegoers.

Miraculous na drama film ang No. 1, at ang horror film ay bahagyang pumukaw sa diwa at balintataw ng balana.

Nanghihinayang kaya si Nadine Lustre na inayawan niya ang papel na adult Yesha sa Miracle in Cell No. 7?

Huwag namang isisi kay Ion Perez na napatalsik si Vice Ganda sa kanyang trono sa December film fest.

Sa hirap ng buhay ngayon, isa o dalawa lang siguro ang afford na panoorin ng ordinaryong pamilyang Pilipino.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa isang source, naka-PHP235M na ang box-office sales ang nangungunang MMFF entry na Miracle in Cell No.7. Sumunod ang The Mall, The Merrier na sinasabing tumabo ng PHP230M.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results