Julie Anne San Jose, dedma sa hate campaign ng ilang Twitter bashers

by PEP Troika
Jan 5, 2020
Julie Anne San Jose remains unfazed by bashers who continue to sow negativity against her on Twitter: “Hindi po ako talaga nagbabasa ng mga sinasabi ng ibang tao… and hindi naman po natin maiwasan na may sinasabi ang ibang mga tao, e."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA: Tila nakikipaglaban ang fans ni Julie Anne San Jose sa isang hukbo ng fans na nagpapa-trending sa Twitter ng hashtag na #YesToJulie at #NoToJulie.

Bago nagsimula ang All-Out Sundays (AOS) ngayong Linggo, Enero 5, sa GMA-7, nag-number one ang #YesToJulie na sinagot ng ilang grupo ng fans ng #NoToJulie.

Bago natapos itong bagong musical-comedy, nag-trending na rin ang hashtag na #NoToJulie.

Napangiti na lang si Julie Anne nang tinanong namin ito sa kanya pagkatapos ng show.

“Hindi po ako talaga nagbabasa ng mga sinasabi ng ibang tao… and hindi naman po natin maiwasan na may sinasabi ang ibang mga tao, e.

“As for me, hindi ko naman po kailangang ipaliwanag ang sarili—bakit ganito, ganyan...

“At the end of the day, gusto ko iyung ginagawa ko. I love my job and I’m doing my best para i-fulfill kung ano po iyung dapat na i-fulfill for the day.

"And of course, I love what I’m doing. I love performing and I want to make people happy in my own little way,” pahayag ni Julie Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung fans ni Alden Richards ang gumagawa niyon, hindi raw niya alam kung bakit.

Okay naman daw sila ni Alden, kahit noong magkasama pa silang nagtrabaho sa Sunday Pinasaya.

“Okay naman po kami ni Alden, e. Since nung Sunday Pinasaya, wala naman pong isyu, e.

“Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyun, e. Wala naman pong problema talaga, e,” napapangiting pahayag ni Julie Anne.

Excited siya sa pagsisimula ng All-Out Sundays lalo na’t mga kaibigan niya at matagal na ring nakakatrabaho ang kasama niya.

JERRY OLEA: Pebrero 5, 1995 nag-umpisa ang ASAP sa ABS-CBN, kung saan main hosts sina Martin Nievera, Pops Fernandez, Ariel Rivera at Dayanara Torres.

Itong January 5, 2020 show ng ASAP Natin ‘To ang umpisa ng pagdiriwang nila ng 25th anniversary, at kabahagi pa rin ng programa si Martin.

Ang bagong katapat ng ASAP ay itong AOS (All-Out Sundays) kung saan main hosts sina Alden Richards at Julie Anne San Jose.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Andiyan din sina Christian Bautista, Aicelle Santos, Mark Bautista, Rayver Cruz, Ken Chan, Rita Daniela, Gabbi Garcia, Derrick Monasterio, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Migo Adecer, Mavy Legaspi, Cassy Legaspi, JD Domagoso, Golden Cañedo, Garrett Bolden, Jong Madaliday, Jeremiah Tiangco, Thea Astley, Kim De Leon, Shayne Sava, Paolo Contis, Glaiza de Castro, Betong Sumaya, Kakai Bautista, Boobay, Super Tekla at Lexi Gonzales.

Abangan natin kung gaano kaayos sa ratings itong AOS nina Alden at Julie Anne!

NOEL FERRER: Kitang-kita ang slant ng AOS na pambagets at halos ang mga kasama nina Alden at Julie Anne (sila na talaga?) ay alumni ng ASAP—sina Christian and Mark Bautista, and Rayver Cruz na poste rin nila.

Let’s see kung aabot sila sa naging legacy ng ASAP na naka-25 years na.

Ang dami nang itinapat sa ASAP—ang ibang members nila ngayon na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ay dati ring sa SOP, Party Pilipinas, Sunday PinaSaya, atbp. May mga weeks na nananalo, pero consistency is key.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

And branding ang kailangan talaga.

Establisado na ang ASAP na taga-determine ng pinaka-established at in sa music, dance, fashion at kahit na anong napapaloob sa pop culture.

Ang AOS kaya? Give it a little more time!

In the end, sa pagpapagalingan ng dalawang programang ito, ang panalo ay ang audience!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose remains unfazed by bashers who continue to sow negativity against her on Twitter: “Hindi po ako talaga nagbabasa ng mga sinasabi ng ibang tao… and hindi naman po natin maiwasan na may sinasabi ang ibang mga tao, e."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results