Comedy skit nina Paolo at Glaiza sa All-Out Sundays, tinapatan ang birthday bash ni Megastar sa ASAP Natin 'To

by PEP Troika
Jan 6, 2020
Pinangunahan nina Paolo Contis at Glaiza de Castro (kaliwa) ang sitcom segment sa bagong GMA-7 Sunday show na All-Out Sundays; sinamahan naman nina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo si Sharon Cuneta (kanan) sa pagdiriwang ng birthday ng Megastar sa ASAP Natin 'To.
PHOTO/S: Rachelle Siazon / @officialjudayph Instagram

GORGY RULA

Medyo paos pa si Paolo Contis nang nakatsikahan namin nitong January 5, Linggo, pagkatapos ng All-Out Sundays (AOS) sa GMA-7.

Kararating lang daw niya mula Amerika kung saan doon siya nag-Pasko kasama si LJ Reyes at ang anak nilang si Summer Ayanna. Kasama rin nila ang panganay na anak ni LJ na si Aki.

First time na mag-Amerika ng anak nilang si Summer, at bumisita ito sa New York kung saan naka-base ang mommy ni LJ. Tuwang-tuwa raw ito nang nakita ang apo.

Pagkatapos mag-Christmas ay doon na rin daw nila sinilebreyt ang 32nd birthday ni LJ at ang first birthday ni Summer noong January 4.

Pero wala si Paolo noong mismong birthday ni Summer.

Isinakripisyo niya ang quality time kasama ng anak, alang-alang sa sinumulang bagong musical-comedy show ng GMA-7, na isa siya sa mainstays.

"Medyo malungkot kasi first birthday, gusto sana nila, magkakasama kami.

"Pero siyempre, may mga ilang bagay na kailangan mong isakripisyo.

Continue reading below ↓

"Bago ko naman tinanggap ‘tong All-Out Sundays, na-discuss na yun sa akin.

"So, sabay naming napagdesisyunan ni LJ na mauna na ako.

"Actually, na-celebrate namin ang birthday ni Summer sa New York, January 1. Nag-dinner kami, ganyan," kuwento ni Paolo.

Para ma-celebrate na lang ang first birthday ng anak niya, nagpa-tattoo siya noong nakaraang Sabado sa braso niya ng pangalan ng kanyang anak.

Ipinakita ni Paolo sa amin ang "Summer Ayanna" na bagong tattoo sa kanya.


Continue reading below ↓

Samantala, natuwa siya sa pagsisimula ng AOS dahil masaya at nagkakasundo sila ng co-artists niya sa comedy segment na "Tapsikret."

Kasama niya sina Glaiza de Castro, Kakai Bautista, Aicelle Santos, Betong Sumaya, at mga taga-StarStruck Season 7 na sina Kim de Leon at Lexi Gonzales.

"Ito yung 'Tapsikret' na comedy. Sila yung grupo namin sa Bubble Gang.

"Nag-agree kami, this group, para mabuo iyung 'Tapsikret.' Kahit papaano, kilala na namin ang isa’t isa.

"Pero hindi siya Bubble Gang look. Narrative siya, parang sitcom na weekly na may kantahan, sayawan," dagdag na tsika ni Paolo.

Lalong nagdiwang ang mga taga-AOS dahil mataas ang rating ng kanilang pilot episode kahapon.

Ayon sa AGB-NUTAM, naka-6.1% ang AOS, at 5.7% ang ASAP.


Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Nagka-power outages sa Visayas at Mindanao kaya naapektuhan ang 45th Metro Manila Film Festival, maging ang national TV ratings (Urban + Rural).

Ganoon pa man, ayon sa Kantar Media ay wagi ang ASAP Natin ‘To na naka-11.7% nitong Enero 5, Linggo, kontra sa pilot telecast ng All-Out Sundays na naka-9.7%.

Siksik, liglig, at hitik sa mga payanig noong Linggo ang ASAP Natin ‘To, kung saan highlight ang 54th birthday celebration ni Sharon Cuneta na hindi sinipot ng panganay niyang si KC Concepcion.

Nagdiwang din doon ng kaarawan sina Catriona Gray, 26, at Liza Soberano, 22.

Nagpaalam sa televiewers ang cast ng ABS-CBN prime-time fantaseryeng Starla, na nasa huling linggo na.

Pinangunahan iyon ni Judy Ann Santos, na binati ni Ogie Alcasid sa pagkapanalo bilang best actress sa 41st Cairo International Film Festival at 45th Metro Manila Film Festival para sa Mindanao.

Nagpasalamat si Juday sa mga nanood ng Mindanao, at binanggit din niya ang mga pelikulang Culion at Miracle in Cell No. 7.

Continue reading below ↓

Co-stars kasi si Juday sa Starla sina Joem Bascon (na kabilang sa cast ng Culion, na co-produced at pinagbidahan ni Iza Calzado, na ninang ni Juday sa kasal) at Joel Torre (nasa cast ng miraculous movie ni Aga Muhlach).


Maliban sa ika-22 kaarawan ni Liza Soberano, nag-promote sila ni Enrique Gil ng Kapamilya teleseryeng Make It With You na nakatakdang mag-umpisa sa Enero 13, Lunes.

Continue reading below ↓

Kung hindi ako nagkakamali, sa Enero 17, Biyernes, naman magtatapos ang teleseryeng The Killer Bride nina Maja Salvador, Janella Salvador, at Joshua Garcia.

Iyon ba ang papalitan ng teleseryeng A Soldier’s Heart nina Gerald Anderson at Carlo Aquino?

Ay! Nagsama sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban sa blockbuster movie na Unbreakable... at ang kani-kanyang ex na sina Gerald at Carlo ay bida sa forthcoming teleserye ng Kapamilya Network.

How interesting!

Lalo pa’t malamang sa alamang na ipalabas na this January ang zombie movie nina Julia Barretto at Joshua Garcia na Block Z.

Ano kaya kung magkita-kita sila sa ASAP Natin ‘To?!

Sa AOS, maluwag bang makakapag-promote ang Kapuso stars ng kani-kanyang proyekto?

NOEL FERRER

May tanong ako: kung nananalo sa AGB Nielsen noon ang Sunday PinaSaya over ASAP, bakit ito tinanggal at pinalitan ng All-Out Sundays?

Ratings ba ang batayan or marketability or quality of the show?

I’m sure, promo arm din ng network ang ganitong variety shows kaya they really serve a purpose.

Continue reading below ↓

Pero of course, the least that we would want AOS to be ay parang maging tulad ng Party Pilipinas o yung mga sinundan nito.

Ang joke naman ng ibang kasamahan natin sa panulat, parang si Mark Bautista pa lang naman ang OUT sa nasa cast nila.

Marami pa ring hindi all-OUT kaya interesting abangan, di ba?

Oh well, tulad ng sinabi ko... sa pagpapaglingan nila linggu-linggo, dapat ang audience ang panalo!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinangunahan nina Paolo Contis at Glaiza de Castro (kaliwa) ang sitcom segment sa bagong GMA-7 Sunday show na All-Out Sundays; sinamahan naman nina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo si Sharon Cuneta (kanan) sa pagdiriwang ng birthday ng Megastar sa ASAP Natin 'To.
PHOTO/S: Rachelle Siazon / @officialjudayph Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results