Edu Manzano, Catriona Gray, Rachelle Ann Go, Alex Gonzaga kabilang sa iluluklok sa Walk of Fame

by PEP Troika
Jan 6, 2020
Kabilang sina Edu Manzano, Catriona Gray, Rachelle Ann Go, at Alex Gonzaga sa celebrities na iluluklok sa 14th anniversary ng Eastwood Walk of Fame sa January 12.
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

GORGY RULA

Nakatakda na sa January 12, Linggo, ang induction of stars ng Eastwood Walk of Fame sa Eastwood City.

Ang napiling inductees ngayong 2020 ay sina Kim Atienza, Jokoy, at Catriona Gray sa Television; Rachelle Ann Go sa Theater; Nanette Inventor sa Music; Jiggy Manicad sa News and Public Affairs; Jun Banaag sa Radio; Edu Manzano sa Movie; at si Alex Gonzaga sa Social Media.

Itong Social Media ang bago nilang category, at nangako ang lahat ng inductees na dadalo sila.

Lilipad si Rachelle Ann mula London para daluhan ang event na ito.

Tamang-tama namang nandito ang Fil-Am stand-up comedian na si Jokoy para sa kanyang show sa Solaire, kaya nangako rin itong dadalo.

Si Manila Mayor Isko Moreno ang kanilang guest of honor.

Ang anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno ang nagpapatuloy ng proyektong ito na sinimulan ng kanyang ama.

JERRY OLEA

Congrats sa inductees ng Stars sa Eastwood.

Continue reading below ↓

Iyon ang orig na Walk of Fame sa bansa, bago nagkaroon ng Kapuso Walk of Fame sa paligid ng GMA Network.

More and more ang mga pagpaparangal at pagpupugay sa showbiz.

Ang recent na pinuntahan natin ay Luna (FAP Awards) at MMFF Gabi ng Parangal.

Sa Hollywood, katatapos lang ng Golden Globes.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Abang-abang tayo sa Razzies (Golden Raspberry Awards) at Oscars (Academy Awards).

Siyempre, ngayong Enero ay nakatuon din ang pansin natin sa mga fiesta na dinudumog — Poong Nazareno sa Quiapo, Ati-atihan sa Kalibo, Sinulog sa Cebu City, Dinagyang sa Iloilo City, among others.

Looking forward din tayo sa Chinese New Year, ang Year of the Metal RAT na mag-uumpisa sa Enero 25.

NOEL FERRER

At least, may representation na per art or media form na kinasangkutan ni Kuya Germs.

Ano ang kaibihan nito sa Walk of Fame din na inilagak sa mga GMA Building?

Mas senior ba ang nasa Eastwood at mas junior ba ang nasa GMA?

Continue reading below ↓

Sa dami ng pararangalan, yung pang-industriya ay nasa Eastwood at ang Kapuso talents ay annex edition ng Walk of Fame sa GMA grounds?

Ano ang distinction?

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sina Edu Manzano, Catriona Gray, Rachelle Ann Go, at Alex Gonzaga sa celebrities na iluluklok sa 14th anniversary ng Eastwood Walk of Fame sa January 12.
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results