Hunk actor at director-producer, nag-check in sa hotel bago pumunta sa movie storycon?

by PEP Troika
Jan 7, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA:

Bagong pag-asa ang hatid ng 2020 sa career ng twentysomething hunk actor na produkto ng isang reality show.

Isa siya sa mga suporta sa isang bagong teleserye, at hopefully ay mag-umpisa na isa sa mga araw na ito ang principal photography ng indie movie na pagbibidahan niya.

Ang indie movie ay ipoprodyus ng mismong direktor. Si hunk actor ang first and only choice ni direk-produ para magbida.

Ipinahanap ni direk-produ ang contact numbers ni hunk actor sa kanyang mga tauhan.

Nang magkausap sa cellphone, agad tinanggap ni hunk actor ang offer ni direk-produ sa kanya.

Disyembre 28, Niños Inocentes, nai-set ng line producer ang meeting kay hunk actor sa isang sosyaling restaurant sa isang yayamaning hotel.

Kasama sa meeting ang mga pangunahing tauhan sa produksyon. Kumpleto na ang mga taga-production sa restaurant, at nagpasabi si hunk actor na on the way na siya, pero wala pa si direk-produ.

Continue reading below ↓

E, naka-order na si line producer ng mga pagkain. Kinokontak ni line producer si direk-produ, pero hindi ito sumasagot.

Dedma sa mga text at messages sa Messenger, Viber, at DM ng Twitter.

Na-tense si line producer. Nanlamig kahit malakas ang aircon sa sosyaling restaurant sa yayamaning hotel.

Butil-butil ang kanyang pawis dahil wala siyang pang-abono. Baka mapasubo siya sa alanganin, lalo pa’t Niños Inocentes nang araw na iyon.

Bago panawan ng ulirat si line producer, tumawag si direk-produ. Huwag daw mag-alala si line producer, papunta na si hunk actor para bayaran ang inorder na pagkain at inumin.

Mula sa hotel room, bumaba si hunk actor. Bagong paligo. Basa ang buhok. Dala ni hunk actor ang wallet ni direk-produ. Binayaran niya nang cash ang foods at drinks.

Maya-maya pa, dumating na rin si direk-produ. Basa rin ang buhok at bagong paligo. Pagkatamis-tamis ng ngiti.

GORGY RULA:

Saan interesado si direktor/producer?

Ang gumawa ng pelikula kay hunk actor, o si hunk actor na lang mismo?

Continue reading below ↓

Kasi, parang ayoko munang bigyan ng malisya sa balak ni direktor/producer dahil hindi naman siya mukhang bading. Natakot pa nga ako sa kanya dahil parang military ang dating niya.

Pero may naririnig na ako tungkol sa kanya at sa isa ring aktor na galing din sa isang talent-reality show. Kung ano man ang balak niya, wala na tayo roon.

Curious lang ako kung tuloy ba iyung movie project kay hunk actor o hindi.

Teka! Di ba, dating close sa ‘yo, Sir Noel, ang hunk actor na ito?

Siya ba ang tipong pumapatol sa mga indecent proposals eklavu?

NOEL FERRER

Jusko, pamhintang durog nga yata ang direktor na willing magbayad para lang maka-meeting si aktor.

Pero ang alam ko, hindi pumatol si aktor kaya ang natuloy ay isang aktor na nakilala sa gay roles na naging sundalo sa pelikula—at ngayo’y nangawala na rin.

Mahirap hulaan ang mga ito. Mas may value ang kuwento kung mananatili silang Da Who.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results