Magpakailanman, nakaungos sa MMK sa pagsisimula ng 2020

by PEP Troika
Jan 7, 2020
Dalawang kuwento ng mga ina ang naging tampok na istorya sa Magpakailanman ng GMA-7 at MMK ng ABS-CBN noong Sabado, January 4. Sa Magpakailanman, si Irma Idlawan (kaliwa) ay gumanap bilang isang ina na may 21 anak. Sa MMK, ginampanan naman ni Janice de Belen (kanan) ang isang ina na gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya.
PHOTO/S: GMA-7 / ABS-CBN

JERRY OLEA

Wagi ang Magpakailanman sa unang salpukan nila ng Maalaala Mo Kaya (MMK) nitong Enero 4, Sabado!

Ayon sa AGB Nielsen/NUTAM, naka-11.7% ang Magpakailanman, kontra sa 9.4% ng MMK.

Ayon naman sa Kantar Media, naka-18.2% ang Magpakailanman, kontra sa 17.8% ng MMK.

Bida sa Magpakailanman noong Sabado si Irma Adlawan bilang Amelia Calma, isang ina na may 21 anak.

Co-stars ni Irma sa episode na ito sina Allan Paule, Jay Arcilla, Jerick Dolormente, Yuan Francisco, Orlando Sol, Elle Ramirez, at Rere Madrid.

Tampok naman sa MMK sina Janice de Belen at McCoy de Leon sa isang istorya ng walang kapantay na pagmamahal.

Makabawi kaya ang MMK na hinu-host ni Charo Santos?

Magpapakilig sina Heaven Peralejo at Josh Colet sa kanilang unang pagtatambal sa MMK sa Enero 12, Sabado ng 8:30 P.M., pagkatapos ng Your Moment sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Aba! Dapat na pasiklab ang itapat dito ng Magpakailanman na hino-host ni Mel Tiangco!

JERRY OLEA

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong Enero 4, Sabado, nanguna ang Your Moment na naka-20.4%, kontra sa Daddy’s Gurl na naka-17.6%.

Tabla sa pangalawang puwesto ang Kapuso programs na Magpakailanman at Pepito Manaloto, na parehong naka-18.2%.

Naka-16.8% lamang ang Home Sweetie Home na katapat ng Pepito Manaloto.

Ang TV Patrol Weekend ay naka-13.6%, kontra 24 Oras na naka-13.2%.

Noong Enero 5, Linggo, nanguna pa rin ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-26.8%, kontra sa Sunday Film Festival na 20.5% lamang.

Pumangalawa ang Your Moment na naka-21.8%.

Nag-overlap ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-20.2%, kontra sa Your Moment, at sa The Haunted na naka-16.1%.

Ang Rated K ay naka-20%, kontra sa Amazing Earth na naka-19.2%.

Ang TV Patrol Weekend ay naka-13.2%, kontra sa 24 Oras Weekend na naka-13.1%. Dikit!

Continue reading below ↓

At ang Gandang Gabi Vice ay naka-10.6%, kontra sa The Boobay and Tekla Show na naka-6.8%.

NOEL FERRER

Good and encouraging start for the Kapuso network na magse-celebrate din ng milestone this 2020.

Basta, consistency is key!

Good luck din sa ABS-CBN na sa kabila ng issue sa franchise ay tuluy-tuloy lang ng paggawa ng mga kagigiliwang shows.

May the good shows truly prevail—sa Kapuso man o sa Kapamilya o kung saan mang may maganda at mabuting content!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dalawang kuwento ng mga ina ang naging tampok na istorya sa Magpakailanman ng GMA-7 at MMK ng ABS-CBN noong Sabado, January 4. Sa Magpakailanman, si Irma Idlawan (kaliwa) ay gumanap bilang isang ina na may 21 anak. Sa MMK, ginampanan naman ni Janice de Belen (kanan) ang isang ina na gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya.
PHOTO/S: GMA-7 / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results