MMFF 2019 total box-office gross, umabot ng halos PHP1B

MMFF 2019 big winners sa box-office, kapupulutan ng aral kung paano tatabo sa takilya ang isang pelikula.
by PEP Troika
Jan 8, 2020
Pelikula nina Aga Muhlach (leftmost) at Vice Ganda (second to the left), malaki ang ambag sa total box-office gross ng MMFF 2019. Pero ayon kay Vice, ang tunay na big winner ay si Vic del Rosario ng Viva Films na producer ng Miracle in Cell No. 7 at co-producer ng The Mall, The Merrier.
PHOTO/S: @viva_films / @starcinema / @mr.cocomartin / Twitter

JERRY OLEA

Ika-14 at huling araw ng 45th Metro Manila Film Festival (MMFF) nitong Enero 7, Martes.

Dalawang linggo na pawang Pinoy movies ang itinanghal sa mga sinehan nationwide, maliban sa ilang espesyal na teatro gaya ng IMAX at 3D/4D cinemas.

Enero 8, Miyerkules, extended pa siguro ang ilang pelikulang Pilipino sa unang playdate ng 2020, pero walang bagong Pinoy movie na mag-o-open.

Afraid ba sila sa Star Wars: The Rise of Skywalker na nag-advance screenings na noong Disyembre 20-22?

Tatlong magkakasunod na weekend na No. 1 sa takilya ng North America ang Star Wars: The Rise of Skywalker.

$451.6M na ang domestic gross nito, at ang worldwide gross ay $919M na.

Mag-o-open din this Wednesday sa local theaters ang foreign movies na Cats (musical fantasy, inalipusta ng mga kritiko), The Assent (horror), at The Cleansing Hour (horror).

Enero 9, Huwebes ng gabi, ang premiere ng romcom na Mia sa Fisher Mall, Quezon Avenue, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Enero 15 ipalalabas ang pelikulang ito na tinatampukan nina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman.


Enero 22 nakatakda ang showing ng D’Ninang nina Ai-Ai delas Alas, Kisses Delavin, at McCoy de Leon.

Kasabay ng playdate na ito ang pelikulang Nightshift na pinagbibidahan ni Yam Concepcion.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Enero 29 naman ang playdate ng zombie thriller na Block Z, na bida sina Julia Barretto at Joshua Garcia.


Alin kaya sa mga ito ang magpapakitang-gilas sa takilya? May iba pa bang pelikulang Pinoy na magso-showing ngayong Enero?

NOEL FERRER:

As the 45th MMFF closes, walang pagtatanggi na ang biggest winner ay hindi si Aga Muhlach o Vice Ganda kundi (as what Vice said) si Boss Vic del Rosario ng Viva Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Viva kasi ang co-producer ng Star Cinema, film company ng ABS-CBN, sa The Mall, The Merrier nina Vice at Anne Curtis, at kasosyo naman ng Viva si Aga sa Miracle In Cell No. 7.

There are certain things to be learned from the box-office results of films shown sa 45th MMFF:

1. Naghahanap na ang mga tao ng mga bagong panoorin. This explains Aga breaking into the usual dominant triumvirate of Vice Ganda, Coco Martin, and Vic Sotto.

2. Kailangang magpakita ng kakaiba sa pelikula more than what is seen in the usual TV fare—like teleseryes and live variety shows. Nagbabayad ang mga tao ng mataas na admission prices sa sinehan, kaya level up din sana ang ihahain nila sa publiko.

3. Hindi sapat na mag-presscon lang at magparada bilang promo sa filmfest. You have to meet and greet the audience and engage them into supporting your project. Dahil sa mahal ng sine ngayon, kailangang maging top of mind ka sa iba pang entries sa festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Safely, despite the earthquake in Mindanao and the typhoon Visayas causing some theaters to close (at hindi talaga priority ng mga kababayan natin ang panonood ng sine doon dahil ang isyu nila ay survival), maayos pa rin ang total gross ng 45th MMFF.

Earning more than PHP900M or just a little short of PHP1B is not bad at all, especially if you’ve given the public better and level-up films.

Sana, lahat ng mga may hanash na naghahanap ng magagandang pelikula ay tumaya naman talaga at magbayad sa takilya.

Kasi, mas kailangan ang ganoong pagtulong at suporta nila kaysa sa kung anu-anong status sa social media.

Sana ang pagsuporta sa mga pelikulang Pilipino ay magtuluy-tuloy pa ngayong 2020.

GORGY RULA

Sana nga, maganda na ang sitwasyon ng mga pelikula natin ngayong 2020 dahil aminin na natin, hindi talaga maganda ang movie industry noong nakaraang taon, kahit hindi pa natatalo ang box-office record ng Hello Love Goodbye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tama ngang hindi na masama ang mahigit PHP900M na kinita ng 45th MMFF.

Pero sana, mabalik na ang sigla ng mga pelikula natin at hindi lamang tuwing film festival.

Pinag-uusapan na kasi ng ilang filmmakers ang sitwasyon ng ating movie industry.

Kung ganoon pa rin daw at pahina ito nang pahina, hindi malayong mangyaring, in two years, wala na raw pinu-produce na local films.

Huwag sana itong mangyari.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pelikula nina Aga Muhlach (leftmost) at Vice Ganda (second to the left), malaki ang ambag sa total box-office gross ng MMFF 2019. Pero ayon kay Vice, ang tunay na big winner ay si Vic del Rosario ng Viva Films na producer ng Miracle in Cell No. 7 at co-producer ng The Mall, The Merrier.
PHOTO/S: @viva_films / @starcinema / @mr.cocomartin / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results