First MMFF Summer Edition, P500M ang target sa box office

by PEP Troika
Jan 8, 2020
Chairman Danilo Lim (first row, center), inanunsiyo ang official total box-office gross ng walong film entries ng MMFF 2019: "So, iyong total gross sales natin for the 2019 film festival ay mahigit PHP955M. It’s only 4.5% short of the target natin na PHP1B."
PHOTO/S: Gerry Olea

JERRY OLEA

Mahigit PHP955 million ang total gross sales ng walong kalahok sa 45th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa loob ng dalawang linggo—mula Disyembre 25, 2019 hanggang Enero 7, 2020.

Ito ang inihayag ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Delapuz Lim nitong Enero 8, Miyerkules ng hapon, sa tanggapan ng MMDA sa Orense Street, Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City.

"Iyong nakaraang MMFF natin ay matagumpay kahit na ito ay naapektuhan ng sunud-sunod na lindol na nangyari sa Mindanao, at iyong bagyo ng dumaan sa Visayas and some parts of Luzon," matatas na pahayag ni Chairman Lim.

"Pero maganda pa rin iyong... nakita natin iyong suporta ng ating mga kababayan sa pelikulang Pilipino.

"So, iyong total gross sales natin for the 2019 film festival ay mahigit PHP955M.

"It’s only 4.5 percent short of the target natin na PHP1B. Lower than last year’s PHP1.06B."

Hindi binanggit ni Chairman Danilo Lim kung magkano ang kinita ng bawat pelikulang nasa Top 4 ng MMFF 2019.

Continue reading below ↓

Nasa discretion na ng bawat producer na ihayag iyon. Tapos na ang embargo sa disclosure.

Pagdidiin pa ni Chairman Danilo Lim, "Maganda iyong resulta ng ating 2019!"

Sa pagtatapos ng 45th MMFF, inilunsad ni Chairman Lim ang 1st Summer MMFF, na ihu-host ng Quezon City.

Extended ang pagsusumite ng finished films hanggang Pebrero 15. Ang original deadline ay Enero 31.

Iyong mga naligwak sa 45th MMFF ay kailangan lamang magpadala ng letter of intent, at hindi na kailangang magbayad ng entry fee.

Iyong mga bagong sasali na magsusumite ng finished film on or before January 31 ay PHP30,000 ang entry fee, samantalang iyong mga magsusumite mula Pebrero 1 hanggang Pebrero 15 ay PH50,000 ang entry fee.

Walong official entries ang pipiliin sa 1st Summer MMFF.

Ang Parada ng mga Bituin ay nakatakda sa Abril 5, Palm Sunday.

Ang pagpapalabas ng mga pelikula ay mula Abril 11, Black Saturday, hanggang Abril 21, Martes.

Continue reading below ↓

Labing-isang araw ang 1st Summer MMFF.

Ang Gabi ng Parangal ay nakatakda sa Abril 15, Miyerkules.

PHP500M ang target na maging total gross sales ng walong kalahok sa 1st Summer MMFF.

NOEL FERRER

Ang tanong ng mga tao: wala bang film festival fatigue sa ating mga kababayan?

Sa ganang akin, malaki ang dapat ipagpasalamat natin sa mga theater-partners natin sa pagbibigay-daan sa all-Filipino films tulad ng Pasko at after Lent na big-earning playdates.

Dapat lang nating suklian ito ng magagandang pelikula na accesible at susuportahan ng viewers.

Hindi pa perpekto ang proseso, pero patuloy nating pagbubutihin at pauunlarin ang pangangasiwa ng film festivals para tunay na makakatulong sa lahat ng stakeholders ng ating industriya.

GORGY RULA

Nagpapasalamat sila kay Senator Bong Go dahil sa pag-initiate na gawin itong MMFF sa summer.

Walang makakaalam kung ano ang crowd ng ganoong playdate. Kaya parang test lang muna kung maganda ito o hindi para sa stakeholders ng pelikulang Pilipino.

Continue reading below ↓

Sabi ng general manager ng MMDA na si Mr. Jojo Garcia, "We're not expecting billions dito. Kahit kalahati lang, malaking tulong na ito sa movie industry."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chairman Danilo Lim (first row, center), inanunsiyo ang official total box-office gross ng walong film entries ng MMFF 2019: "So, iyong total gross sales natin for the 2019 film festival ay mahigit PHP955M. It’s only 4.5% short of the target natin na PHP1B."
PHOTO/S: Gerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results