JERRY OLEA
Patuloy ang pamamayagpag ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ratings game.
Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media nitong Enero 7-9, Martes hanggang Huwebes, nananatiling #1 ang primetime teleserye ni Coco Martin, pangalawa ang fantaseryeng Starla ni Judy Ann Santos na nagwakas nitong Biyernes, at pangatlo ang newscast ng Kapamilya Network na TV Patrol.
At ang pang-apat... ang afternoon teledrama na Prima Donnas ng Kapuso Network.
Noong Enero 7, Martes, naka-21.4% ang Prima Donnas, kumpara sa 17.0% ng Kadenang Ginto. Noong Enero 8, Miyerkules, naka-21.6% ang Prima Donnas, kumpara sa 16.1% ng Kadenang Ginto. Noong Enero 9, Huwebes, naka-18.8% ang Prima Donnas, kumpara sa 15.8% ng Kadenang Ginto.
May umay factor na ang Gold Squad? O sadyang lumaylay at kinalawang na ang istorya ng Kadenang Ginto, kaya binibitawan ng televiewers?
NOEL FERRER
Mukhang on its way out na talaga ang Kadenang Ginto anytime this February.
In fairness, ang tagal at ang layo na rin ang itinakbo ng kuwento nito.
Ang KimXi (tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim) teleserye na Love Thy Woman ba ang napipisil na papalit dito?
Good luck!
GORGY RULA
Tatapusin na ang Kadenang Ginto, sabi ng ilang napagtanungan namin.
Bukod pa riyan, natatalo na kasi ng Prima Donnas na mukhang lucky charm doon si Aiko Melendez.
Lahat kasi na napasukan ni Aiko na soap, nagri-rate. At madalas na nagmamarka ang role na ginagampanan niya.
Isa pang narinig ko, totoo bang napapagod na si Dimples Romana sa role niya bilang si Daniela Mondragon-Bartolome?
Gusto na raw niya, bago naman na challenging pa rin.