Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Showbiz events, apektado dahil sa pagputok ng Taal Volcano

by PEP Troika
Jan 13, 2020
Kabilang ang Mia event sa SM Megamall at ang screening at presscon ng A Soldier's Heart sa mga nakanselang showbiz events ngayong Lunes, January 13, dahil sa pagputok ng Taal Volcano.

JERRY OLEA

Nag-aalburoto na ang bulkang Taal noong Enero 12, Linggo ng hapon, meron pa ring nagta-"Tala" challenge na kuntodo ngiti pa.

Wrong move sa image at career!

Dahil sa ash fall, ipinagpaliban ni Senador Bong Revilla ang lunch with showbiz media ngayong Enero 13, Lunes. Naka-monitor ang grupo ni Senador Bong sa Taal.

Linggo ng 10:31 P.M., naglabas ng public advisory sa Facebook ang Mia: The Movie na pinagbibidahan nina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman:

“We would like to inform the public that we have decided to POSTPONE the celebration of the #NationalMiaDay tomorrow, January 13, at the Cinema 1 of SM Megamall to ensure the safety of all the event participants from the hazardous ash fall caused by the Taal volcano eruption. Please wait for further announcement on when the event is going to push through.

“We pray for the safety of everyone.”

Sa Enero 15, Miyerkules, ang showing ng nasabing romcom, na idinirek ni Veronica Velasco, at prinodyus ni Chris Cahilig.

Continue reading below ↓

Mula sa Facebook ng Kapamilya executive na si Mico del Rosario, inihayag na postponed din ang red-carpet screening ng teleseryeng A Soldier’s Heart na nakatakda ngayong Monday night sa Gateway Mall, Araneta City, Quezon City.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bida sa A Soldier’s Heart sina Gerald Anderson at Carlo Aquino.

NOEL FERRER

Pre-empted ang mga programs sa radyo for a continuing coverage ng aftermath ng ashfall.

Ingat ang lahat! Ubusan ng Face mask ngayon.

At sa gitna ng mga pagtatalo, iwas-aircon muna.

Marami ang nagtatanong, nasaan kaya si Quiboloy?

Kaya ba niyang patigilin ang pagyanig ng lupa at pag-aalburoto ng bulkan? Sana.

GORGY RULA

Tuloy pa rin ang taping ng ilang teleserye na kailangan nang makapag-ipon ng maraming episodes.

Sa Fairview ang taping ng FPJ’s Ang Probinsyano, at sa Vertis North sa Quezon City naman ang taping ng Descendants of the Sun.

Pero pinapag-ingat sila sa ash fall na umabot na sa Metro Manila.

Continue reading below ↓

Huwag lang daw magbukas ng aircon ng kotse at baka ikasira pa ito ng radiator.

Pero patuloy lang po tayo sa pagdarasal. Hindi pa kasi nangalahati ang buwan ng Enero ng 2020, ang dami nang nangyayari.

Ang bushfire sa Australia, sigalot sa Middle East, lindol sa Puerto Rico, bagyo at pagputok ng bulkan naman dito sa atin.

Mag-ingat na lang po tayo at patuloy ang pananalig natin sa Poong Maykapal.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang Mia event sa SM Megamall at ang screening at presscon ng A Soldier's Heart sa mga nakanselang showbiz events ngayong Lunes, January 13, dahil sa pagputok ng Taal Volcano.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results