Watch Now

Sharon Cuneta, Martin Nievera, Kuh Ledesma walang talent fee sa concert ni Odette Quesada

by PEP Troika
Jan 13, 2020
Sharon Cuneta (leftmost) at Kuh Ledesma (second to the left), nag-waive ng talent fee para kay Odette Quesada (rightmost) na sumulat sa kanilang major hit songs noon. Martin Nievera, game ding sumali sa concert ni Odette.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta / @kuhledesma / @martinnievera Instagram / Odette Quesada Facebook

NOEL FERRER

Nang naisipan namin ni Direk Rowell Santiago na finally ay pauwiin ang singer-songwriter of our time na si Miss Odette Quesada na mag-birthday rito sa Manila after 20 years, nandiyan lang na nakaantabay ang mga kaibigan natin sa industriya para sumuporta.

Unang-una na sina Kuh Ledesma at Sharon Cuneta, na biniyayaan talaga ng major hits na ginawa ni Odette Quesada.

'Tapos, si Martin Nievera pati na si Arman Ferrer ay nag-commit at nag-volunteer din na kumanta ng Ric Segreto hits na gawa ni Odette.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahat ng mga ito ay hindi nagpabayad.

Regalo na nila iyon sa OPM icon para sa kanyang birthday ngayong Lunes, January 13.

Ang birthday wish at mantra ni Odette ngayon is "to FIND JOY."

Sabi ni Odette, para talagang natagalan bago siya naka-get over sa pagkamatay ng kanyang mister na si Bodjie Dasig noong 2012.

Nang huli namang magdiwang ng kaarawan si Odette ay lamay ng lola niyang nag-alaga sa kanya.

But with the help of her friends, sabi ni Odette, she will try to always find JOY in everything she does.

And all her efforts now are focused on her birthday and homecoming concert on January 17 and 18 sa BGC Arts Center sa Taguig City.

It’ll be one big sing-along celebration, I suppose, with the hits of our time kaya magkita-kita tayo roon. Book your tickets now online via Ticketworld or call 88919999.

JERRY OLEA

Mae-enjoy ng mga “hopeless romantic” ang homecoming concert ni Odette.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aba! Humahaplos sa puso ang mga nilikha niyang awit, gaya ng "Til I Met You" ni Kuh Ledesma, "Don’t Know What To Do, Don’t Know What To Say" ni Ric Segreto, "Farewell" ni Raymond Lauchengco, "Growing Up" ni Gary Valenciano, at "To Love Again" ni Sharon Cuneta.

Makaka-relate pati millennials sa mga hit song na ito!

GORGY RULA

Iyon na nga! Sana, panoorin ito ng mga bagong mang-aawit natin.

Mas maganda rin sana kung may collaboration o makipag-duet sa kanya ang mga katulad nina Moira, Morisette, o kahit si Ebe Dencel na kakaiba rin ang romantic songs na pinasikat nila ngayon.

Iba kasi ang pagka-romantic ng mga awitin noon ni Odette na ang iba ay nare-revive na.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta (leftmost) at Kuh Ledesma (second to the left), nag-waive ng talent fee para kay Odette Quesada (rightmost) na sumulat sa kanilang major hit songs noon. Martin Nievera, game ding sumali sa concert ni Odette.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta / @kuhledesma / @martinnievera Instagram / Odette Quesada Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results