Mother Lily Monteverde, nag-aalala sa kanyang resort at staff sa Taal dahil sa pagputok ng bulkan

by PEP Troika
Jan 13, 2020
Mother Lily Monteverde, naiwasan ang ma-stranded sa Taal nang hindi tumuloy sa pagbisita sa kanyang resort doon.
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Malungkot si Mother Lily nang nakausap ko sa telepono nitong Enero 13, Lunes, dahil naapektuhan nang husto ang kanyang Taal Imperial Hotel and Resort sa may Taal, Batangas dahil sa pagputok ng Taal Volcano.

"Nasira na ibang bubong. Natakpan na ng abo, pati swimming pool ko, umapaw na mga putik," nag-aalala niyang pahayag.

Hindi niya alam kung kailan niya ito mapapaayos dahil hindi pa alam kung hanggang kailan ang pag-aalburuto ng naturang bulkan.

"Laki na naman gastos para mapaayos ‘yan," himutok ni Mother Lily.

Balak pa naman daw niyang pumunta sa hotel niya kahapon, pagkatapos nilang magsimba at mag-lunch ang buong pamilya.

"Pagkatapos namin mag-lunch sa bahay, nagyaya ako na pumunta run.

"Ayaw lang ni Roselle. Mag-Podium na lang daw kami.

"Buti na lang, nag-Podium na lang kami, nagkuwentuhan kami dun kasama pa sina Annabelle,” kuwento pa ng Regal matriarch na ang tinutukoy ay si Annabelle Rama.

Kung natuloy siya ay stranded siya roon. Mabuti na lang at sumunod siya kay Roselle.

Continue reading below ↓

Ang isa pa sa inaalala ni Mother Lily ay ang mga taong nagtatrabaho sa hotel niya na tiyak apektado dahil nakatira ang mga ito doon sa Taal at mga katabing bayan.

Naawa rin siya kay Taal Mayor Pong Mercado na dating nagtatrabaho sa Regal.

Humihingi si Mayor Pong ng dagdag pang tulong na ma-evacuate niya ang mga tagaroon.

Kulang daw sila ng sasakyan para gamitin sa pag-evacuate sa mga tao, at kulang na rin daw ng pagkain, dahil wala na raw silang mabibilhan.

"Naawa nga ako kay Mayor Pong. Sana, tulungan pa natin," pakiusap ni Mother Lily.

JERRY OLEA

May halong kuwela ang paalala ni Ethel tungkol sa ashfall mula sa phreatic eruption ng Taal volcano.

Tweet ni Ethel nitong Enero 13, Lunes ng tanghali, "Mga kababayan doble ingat po tayo dahil ang ash na ating malalanghap mula sa volcano ay pwedeng maging cause ng Pneumonoultramicroscopicsili....... basta ayoko na mag explain, mag-ingat na lang kayo. Charot!"

Continue reading below ↓

May kasunod pang 'pasabog' na tweet si Ethel tungkol sa paglipana ng mga hoax sa social media.

"BOOBITA: Turn off daw ang cp kasi malakas ang radiation dahil sa cosmic ray.

"AKO: Hoax lang yan.

"BOOBITA: Ano yung hoax?

"AKO: Di naman siguro masama kung mag-ingat tayo. Sige magpatay na lang tayo ng cp kesa magpaliwanag pa ako. Charot!"

Dugtong ni Ethel na may seryosong paalala sa netizens:

"Speaking of HOAX, may nagpakalat ng 'breaking news' na kesyo 15 lungsod sa Luzon ang tatamaan ng 7.8 magnitude na lindol sa Enero 15, Miyerkules.

"Fake news po iyan. Hindi po nape-predict ang earthquake.

Pati ang comedian na si Inday Garutay ay may ambag na biro sa kasagsagan ng pag-aalburoto ng Taal volcano.

Feeling-crazy si Inday sa Facebook post niya noong Sunday night.

“My Yaya Strikes Again!!!!

"YAYA: Mam Mam tumawag po yung Pinsan ko na nasa Cavite, may Asshole daw sa kanila.

Continue reading below ↓

"ME: Asshole?

"Yaya: Opo, yung umuulan daw ng abo galing sa Taal."

Seriously speaking, na-post ng kaibigang Chuckie Dreyfus sa Facebook nitong Monday afternoon,

"Friends, please keep in mind that Generika Drugstore, Healthway Medical Clinics, and FamilyDOC clinics are now on high alert and will remain open for possible adverse health issues in relation to the Taal Volcano eruption.

"Please read public advisory below for full details. #StaySafePH"

Nai-share din ni Chuckie ang Facebook advisory ng Globe kaugnay ng Taal ashfall noong Sunday.

At ako bilang subscriber ng Smart, nakatanggap din ng mga advisory na text messages.

NOEL FERRER

Maging sina Direk Raymond Red ay kinailangang bumalik agad sa Maynila noong nag-aalburoto na ang Taal. Grabeng traffic ang naranasan nila.

At ang kaibigan naming si Marshall ay nagsabi na naipit ang singer na si Louie Heredia sa Tagaytay, at hindi nakauwi gamit ang kanyang bago pa namang kotse dahil sa ashfall.

Continue reading below ↓

Sana maayos na rin ang mga paliparan, at hindi maapektuhan ang mga prone sa sakit.

Sana rin, hindi mag-hoard ng mga masks ang mga tao dahil umabot na raw sa PHP200 kada isa dahil sa unusual demand created by those na nag-panic buying.

Buti na lang, creative ang mga pamangkin kong bata na underwear nila at bra ng nanay nila ang gamit bilang alternative masks. Ang creative, di ba?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mother Lily Monteverde, naiwasan ang ma-stranded sa Taal nang hindi tumuloy sa pagbisita sa kanyang resort doon.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results