GORGY RULA
Nagkadikit na ang ratings ng All-Out Sundays at ASAP Natin ‘To noong nakaraang Linggo, December 12, pero lamang pa rin ang AOS.
Ayon sa AGB NUTAM, naka-5.3% ang All-Out Sundays, at 5.2% naman ang ASAP.
Malamang na panalo ang ASAP pagdating sa Kantar Media.
Pero pati ang Magpakailanman at MMK noong nakaraang Sabado, January 11, ay magkadikit din. Naka-11.2% ang Magpakailanman, at 11.1% ang MMK.
Pagdating sa primetime shows noong Sabado ay panalo rin ang mga programa ng Kapuso network.
Naka-10.3% ang Pepito Manaloto, at 7.8% lamang ang Home Sweetie Home.
Wagi rin ang Daddy’s Gurl na may 10.2%, at 9.5% ang katapat na Your Moment.
Noong Linggo, naka-9.6% ang Amazing Earth, at 8.4% ang Your Moment.
Ang Daig Kayo ng Lola Ko ay naka-10.5%, at 5.6% lamang ang The Haunted.
As expected, wagi pa rin nang bonggang-bongga ang Kapuso Mo, Jessica Soho na may 16.8%, versus 3.5% lang ng Kapamilya Super Blockbusters.
Winner din ang birthday episode ni Super Tekla sa The Boobay and Tekla Show na naka-4.6%, at 4.4% ang Gandang Gabi Vice.
JERRY OLEA
Nakabawi ang MMK!
Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, No. 1 program noong Enero 11, Sabado, ang nakakakilig ng MMK episode nina Tein (Heaven Peralejo) at Tantan (Joshua Colet).
Naka-23.1% ang MMK, kontra sa 17.8% ng Magpakailanman episode na "Sa Aking Mga Mata: The Ed Caluag Story."
Ang paranormal investigator mismo na si Ed Caluag ang bida rito, with vlogger Warren Tablo as his young version.
Naka-22.3% ang Your Moment, kontra sa 17.9% ng Daddy’s Girl.
Gaya sa NUTAM, taob ang Home Sweetie Home na naka-17.9%, kontra sa 18% ng Pepito Manaloto. Dikit!
Noong Enero 12, Linggo, No. 1 ang madalas mag-kampeon.
Runaway winner ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-26.4%, kontra sa 8% ng Sin Island sa Kapamilya Super Blockbusters.
Pangalawa ang Rated K na naka-19.9%, kontra sa 6.5% ng PBA 2019 Governor’s Cup Finals.
Aba! Pangatlo ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-19.3%, kontra sa 14.7% ng The Haunted.
At pang-apat ang Your Moment na naka-19.2%, kontra sa Amazing Earth.
Ang ASAP Natin ‘To ay naka-10.6%, kontra sa 8.5% ng All-Out Sundays! Uy!
Kabog din sa Kantar Media ang Gandang Gabi, Vice na naka-7.7% lamang, kontra sa 8% ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).
So... parehong wagi sa NUTAM at Kantar Media ratings last weekend ang Kapuso programs na Pepito Manaloto, Kapuso Mo, Jessica Soho, Daig Kayo Ng Lola Ko, at TBATS!
NOEL FERRER
Ang tanong: anu-anong mga show ang tunay na tumatatak sa kanilang target audience? Iyon na siguro ang mas mahalaga.
At kumusta ang advertising nila? Malalaman natin ang impact niyan—in time.
Basta, quality instead of ratings ang binibigyan ko ng diin.
In the end, may the audience truly win!