Power outages sa Southern Luzon, hindi nakatinag sa pagiging No. 1 ng Ang Probinsyano

by PEP Troika
Jan 14, 2020
Sa kabila ng power outages sa Southern Luzon sanhin ng pagputok ng bulkang Taal, nangunguna pa rin sa TV ratings ang Ang Probinsyano ni Coco Martin.

JERRY OLEA

Sa Southern Luzon naman nagkaroon ng power outages, kaya naapektuhan muli ang viewership ng mga TV show nitong mga nakaraang araw.

Ganoon pa man, hindi natinag sa pagiging No.1 kung weekdays ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang mga sumusunod na datos ay TV ratings ng ABS-CBN laban sa GMA-7.

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong Enero 10, Biyernes, naka-31.5% ang teleserye ni Coco Martin, kontra sa 14.7% ng Beautiful Justice.

Pumangalawa ang finale ng fantaseryeng Starla na naka-29.3%, kontra sa 12.8% ng The Gift.

Talo pa rin ang Kadenang Ginto na naka-15.3% lamang, kumpara sa 18.4% ng Prima Donnas.

Tuloy, taob din ang kasunod ng Kadenang Ginto na Sandugo na naka-11.4%, kumpara sa 14.4% ng Madrasta.

Nitong Enero 13, Lunes, umarangkada pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano na naka-29.9%, kumpara sa 16.9% ng Beautiful Justice.

Pumangalawa ang pilot episode ng LizQuen teleserye na Make It With You na naka-27.4%, kumpara sa 14.8% ng The Gift.

Continue reading below ↓

Naka-15.7% ang It’s Showtime, na siyang nakatapat ng umaaribang Prima Donnas with 19.2%.

Naka-16.5% ang Kadenang Ginto, kumpara sa 13.6% ng katapat na Madrasta.

GORGY RULA

Bumalik ang lakas ng afternoon prime ng GMA-7. Iyon naman talaga ang strength ng Kapuso network.

Ilang linggo na lang, matatapos na ang Beautiful Justice at posibleng ang Descendants of the Sun na ang ipapalit.

Kung nagpakita ng lakas ang Pinoy adaptation ng pelikulang Miracle in Cell No. 7, maaring ganoon din ang mangyayari sa DOTS nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Iyan ang aabangan natin!

NOEL FERRER:

Maganda ring malaman kung kaninong news coverage ang sinundan talaga ng mga tao nang nag-alburoto ang Bulkang Taal.

More than entertainment, maganda ring ma-highlight ang public service possibilities ng TV.

Mano bang bukod sa rating, palakpakan natin ang network na makakalikom ng maraming donasyon na pantulong sa ating mga kababayan sa Batangas at karatig-lugar nito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng power outages sa Southern Luzon sanhin ng pagputok ng bulkang Taal, nangunguna pa rin sa TV ratings ang Ang Probinsyano ni Coco Martin.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results