Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Jane de Leon, gaganap bilang boxer na si Nesthy Petecio sa MMK

by PEP Troika
Jan 15, 2020
Gagampanan ng bagong Darna na si Jane de Leon (kaliwa) ang papel ng female boxing champion na si Nesthy Petecio sa episode ng MMK ngayong Sabado, January 18. Ang mag-asawang sina Pancho Magno at Max Collins (kanan) ay gaganap naman bilang mag-asawang nabiktima ng online scammer sa Magpakailanman.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

JERRY OLEA

Masusubukan ang lakas at tibay ng bagong Darna na si Jane de Leon sa Maalaala Mo Kaya (MMK) sa Enero 18, Sabado ng 8:30 P.M., pagkatapos ng Your Moment sa ABS-CBN.

Bibida si Jane sa MMK bilang Pinay world champion boxer na si Nesthy Petecio.

Isa si Nesthy sa mga boksingerang lumahok sa 2019 AIBA Boxing World Championships. Nakapag-uwi siya ng gintong medalya.

Mapatunayan kaya ni Jane na sa laban ng TV ratings, hindi suntok sa buwan ang mangarap?

Co-stars ni Jane sa MMK episode na ito sina Bembol Roco, Michael Roy Jornales, Mara Lopez, at Kiara Takahashi.

Tampok naman ang mag-asawang Max Collins at Pancho Magno sa Magpakailanman sa Sabado ng 8:30 P.M., pagkatapos ng Daddy’s Gurl sa GMA 7.

Gaganap sina Max at Pancho bilang mag-asawang Minda at Hector Bagulbagul, na niloko ng isang online professional scammer.

Abangan ang mga hugot at feels ng MELlennials sa tanong na, “Ano ang gagawin mo kapag nadiskubre mong may ka-love chat ang asawa mo sa internet?”

Continue reading below ↓

Co-stars nina Max at Pancho sa episode na ito sina Dexter Doria at Liezel Lopez.

GORGY RULA

Dalawang linggo nang natatalo ng Magpakailanman ang MMK, ayon sa survey ng AGB NUTAM.

Masusubukan dito kung malakas na ba si Jane de Leon sa televiewers pagkatapos pag-usapan dahil sa kanya ibinigay ang role bilang Darna.

Challenge din sa mag-asawang Pancho at Max kung mapapanatili nilang mataas ang rating ng Magpakailanman.

Pero mas excited ako sa magiging baby nila, dahil gusto na rin nilang magkakaroon na sila ng supling na aalagaan nila.

NOEL FERRER

Kinikala na ang husay ni Max Collins sa pagganap kaya sana ay nadala sa galing niya ang kanyang asawa na si Pancho Magno sa Magpakailanman.

Si Jane de Leon naman, tingnan natin if she can hold her own sa kanyang MMK bago siya lumipad bilang Darna.

Sana lang talaga, bukod sa pagiging magaling nila sa pagganap ay mabait din sila sa mga staff ng mga nilalabasan nilang programa, dahil iyan ang magiging sukatan nila sa longevity sa industriya.

Continue reading below ↓

Basta, good luck kay Max, lalung-lalo sa may kailangan pang patunayan na si Jane!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gagampanan ng bagong Darna na si Jane de Leon (kaliwa) ang papel ng female boxing champion na si Nesthy Petecio sa episode ng MMK ngayong Sabado, January 18. Ang mag-asawang sina Pancho Magno at Max Collins (kanan) ay gaganap naman bilang mag-asawang nabiktima ng online scammer sa Magpakailanman.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results