Mark Bautista, umamin tungkol sa "showmance" sa kanyang Here Lies Love co-star

by PEP Troika
Jan 15, 2020
Mark Bautista (left photo), Aicelle Santos (center in inset), at Christian Bautista (leftmost in inset photo) nagsampol ng kanilang original songs na aawitin nila sa 1 for 3 concert sa The Theatre at Solaire sa February 1.
PHOTO/S: Noel Orsal / Gorgy Rula

GORGY RULA

Puring-puri si Mark Bautista ng mga kasamahan niyang artists na sina Christian Bautista at Aicelle Santos, pati ang direktor ng concert nila na si Paolo Valenciano.

Ito ay dahil sa mga magaganda raw na awiting isinulat ni Mark.

Matagal na palang gumagawa ng mga kanta si Mark at gusto niyang mag-focus sa pagko-compose ng mga kanta.

Si Mark ang sumulat ng "Bakit," ang ginamit ng GMA-7 na theme song ng Koreanovela na Gourmet.

Siya rin ang may likha ng jingle ng GMA-7 na "Kaya Ko" na ginamit noong 2019 mid-term elections.

Ngayon ay may mga awitin pa siyang ginawa na gagamitin sa concert nila nina Christian at Aicelle.

Pinamagatang 1 for 3 ang concert nilang tatlo na gaganapin sa The Theatre at Solaire sa February 1.

Sina Mark, Aicelle, at Christian ang co-producers, at si Paolo ang magdidirek.

May original songs sila na pina-sample nila sa mediacon sa Annabel’s Restaurant nitong Enero 15, Miyerkules ng tanghali.

Continue reading below ↓

Maganda ang hugot song na ginawa ni Mark na pinamagatang "Halik Sa Hangin."

Break-up song ito na isinulat niya pagkatapos ng relasyon niya sa isang kasamahan sa musical na Here Lies Love sa Seattle noong 2017.

"Showmance" ang tawag niya sa relasyong nabuo at nagtapos pagkatapos ng pinagsamahang show.

"May ganoon pala na matagal kayong magkasama sa show, nade-develop kayo or naging kayo, and then after ng show, puwede palang mawala.

"Showmance pala ang tawag doon," pakli ni Mark.

Yung nagagawang kanta ni Mark ay nahuhugot daw niya sa mga karanasan sa pag-ibig, pero ang iba ay galing din sa experiences ng ibang tao.

"Konti lang naman sa personal talaga. Majority, sa emosyon na galing sa pinagdadaanan ko.

"Pinaganda ko na lang yung words.

"Basically, ganoon naman ako magsulat. Based sa nararamdaman ko that moment or sa na-experience ko that moment.

"Puwedeng galing sa iba, puwedeng ganoon," napapangiti niyang pahayag.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Tiyak na maligaya ang kaibigang Ruval Magpayo para sa career ni Mark Bautista.

Si Ruval ay pamangkin ng namayapang radio icon na si Tiya Dely Magpayo.

Nasubaybayan ni Tito Ruval ang pagsisimula ni Mark noong nasa Cagayan de Oro pa lang ang singer, hanggang sa sumabak na ito sa Star for A Night singing contest noong Marso 2002 sa IBC-13.

Napanatili ni Mark ang pagiging mapagkumbaba at mapagpunyagi sa buhay, kaya inaasam natin ang pagpapatuloy ng kanyang tagumpay.

NOEL FERRER

Alam ba ninyong itong 1 for 3 ang attempt ni Christian Bautista na mag-produce ng concert under his production company?

Kaya susuportahan natin ito bilang pag-e-encourage sa mga bagong producer to do more shows.

Kailangan ding mapatunayan ni Mark dito na worth it itong local career niya gayong na-deadma niya ang invitation para maging parte ng musical na Aladdin!

Lahat sila sa concert na ito ay achievers dahil si Aicelle naman ay kapapanalo lang para sa kanyang pagganap sa musical na Himala.

Continue reading below ↓

So, good luck sa 1 for 3 na concert, lalo pa’t sariling sikap nila ito!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Bautista (left photo), Aicelle Santos (center in inset), at Christian Bautista (leftmost in inset photo) nagsampol ng kanilang original songs na aawitin nila sa 1 for 3 concert sa The Theatre at Solaire sa February 1.
PHOTO/S: Noel Orsal / Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results