Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Dingdong Dantes, nagbigay-pugay sa volunteers na tumutulong sa Taal evacuees

by PEP Troika
Jan 18, 2020
Dingdong Dantes: "The real story, our true heroes on the ground, are our social workers... Hindi lang ito one-time thing na porke’t meron nang relief, isang bigayan, uwi."
PHOTO/S: Gorgy Rula / YesPinoy Foundation Facebook

GORGY RULA

Isa si Dingdong Dantes sa kilalang celebrities na pumunta ng Batangas para magdala ng tulong sa mga nasalanta ng pagputok ng bulkang Taal.

Kasama ang buong team ng Yes Pinoy Foundation, ang Philippine Navy, at ang co-star niya sa Descendants of the Sun na si Rocco Nacino, pumunta sila nitong Enero 17, Biyernes ng umaga, sa Balayan, Batangas para maghatid ng relief goods sa evacuees.

Ibinahagi ni Dingdong ang kanyang karanasang iyon sa pictorial ng Descendants of The Sun, nitong Biyernes ng hapon, January 17.

Kuwento ni Dingdong, tuluy-tuloy ang paghatid ng tulong sa evacuees doon, at gusto niyang bigyan ng credit ang lahat ng volunteers na nagsasagawa ng relief operations para sa mga naapektuhan ng pagputok ng Taal volcano.

Hindi raw kasi sila napapansin, dahil ang mas nababalita at nakikita sa social media ay ang mga kilalang celebrities na nagpapadala ng tulong.

"Nangyayari lang siguro, naha-highlight lang.

Continue reading below ↓

"Pero sa totoo lang, ang dami nang gumagawa niyan," pakli ni Dingdong.

"Nandiyan pa yung nga unsung heroes.

"The real story, our true heroes on the ground are our social workers.

"Ang mga volunteers, na para sa kanila, ito talaga ay dedication.

"Hindi lang ito one-time thing na porke’t meron nang relief, isang bigayan, uwi."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Continue reading below ↓

Patuloy ni Dingdong: "We should also be grateful to them. Lahat ng iyan, significant.

"Isipin mo kung lahat, gumagawa ng ganun, e, di mas maraming mararating.

"Pero itong workers on the ground, lalo na ang mga social workers, talagang saludo ako sa kanila.

"Hindi pa alam kung hanggang kailan pa ang mga kababayan natin sa evacuation center, pero nakikita na marami pa ang gustong magbigay ng tulong.

"Marami ang willing tumulong. Naghahanap lang sila ng tama o siguro yung pinaka-accesible na paraan kung paano."

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na Facebook post ni Dingdong, isa-isa niyang pinasalamatan ang nakibahagi sa isinagawa nilang relief operation sa Batangas.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

NOEL FERRER

Bilib ako kay Dingdong hindi lang bilang aktor kundi bilang Pilipino.

Mabuting ama, asawa, at kaibigan na may malasakit sa kapwa.

Mananatili ang matinding paggalang at pagmamahal ko sa kanya.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Sa panahon ng pagsubok, lumulutang ang karakter ng mga tao. Nariyan ang mga nagkukusa, tumutulong nang walang kapalit.

Nasisilayan natin ang bayanihan, ang damayan, ang tatag ng mga Pilipino. Saludo tayo sa kanila.

Pero hindi nawawala ang mga dumakdak nang walang katuturan. Nagbubuga ng kapalpakan at kabuktutan.

Nagmamarunong sa kabila ng kahunghangan. Nagpapakapalalo gayong mangmang sa katotohanan.

Kung puwede lang, lamunin na sana sila ng lupa!

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes: "The real story, our true heroes on the ground, are our social workers... Hindi lang ito one-time thing na porke’t meron nang relief, isang bigayan, uwi."
PHOTO/S: Gorgy Rula / YesPinoy Foundation Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results