ABS-CBN, tambak ang mga teleserye sa kabila ng nakabinbing franchise renewal

by PEP Troika
Jan 18, 2020
Kabilang ang Make It With You nina Liza Soberano at Enrique Gil sa mga teleseryeng handog ng ABS-CBN ngayong 2020.
PHOTO/S: ABS-CBN

JERRY OLEA

Kasisimula pa lamang ng primetime teleserye nina Liza Soberano at Enrique Gil na Make It With You noong Enero 13, Lunes, sa ABS-CBN.

Sa pagtatapos ng teleseryeng The Killer Bride nitong Enero 17, Biyernes, papalitan ito ng A Soldier’s Heart ni Gerald Anderson na mag-uumpisa sa Enero 20, Lunes.

Sa Pebrero ay eere na sa Dos ang teleseryeng Love Thy Woman nina Kim Chiu, Xian Lim, at Yam Concepcion.

Naka-line up bilang mga TV series ng Kapamilya Network ang Tanging Mahal nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla; Kahit Minsan Lang nina Bea Alonzo at Richard Gutierrez; Heart to Heart nina Maymay Entrata at Edward Barber; Ligaya ni Ivana Alawi; at What Matters Most nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby, at Maricel Soriano.

Balik-ABS-CBN si Julia Montes.

Magtatambal ba sila ni Coco Martin sa FPJ’s Batang Quiapo, na papalit sa FPJ’s Ang Probinsyano?

Ano ang ibig ipahiwatig ng tambak na Kapamilya teleserye, gayong nakabinbin pa sa alanganin ang renewal ng franchise ng ABS-CBN?

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Gawa lang nang gawa ng magagandang content, iyan ang sabi sa akin ng isang Kapamilya boss.

Bakit naman hindi, e, marami naman silang platforms ma paglalabasan?!

Go lang nang go!

JERRY OLEA

Pupusuan kaya ng advertisers at televiewers ang A Soldier’s Heart ni Gerald?

Ang Heart to Heart ng MayWard ay Pinoy version ba ng 2015 South Korean TV series nina Choi Kang Hee at Chun Jung Myung na kapareho ng title?

E, ano kung pang-Kapuso ang pamagat ng mga teleseryeng iyan?!

Remember, nang umeksena muli ang GMA Pictures (dating GMA Films), ang buwena mano ay ang Family History nina Michael V at Dawn Zulueta.

Siyanga pala, tuloy pa ba ang teleserye nina James Reid at Nancy ng Momoland?

GORGY RULA

Tuloy pa rin daw ang teleserye nina James at Nancy ng Momoland. Totoo bang hindi type ni Nadine Lustre ang tambalang ito?

Samantala, matatapos na rin ang Beautiful Justice ng GMA-7 at ang ipapalit ay ang kuwelang Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

Continue reading below ↓

Ang inaabangan pa ay ang Descendants of the Sun na wala pang announcement ang Kapuso network kung kailan na ito magsisimulang iere.

Kinukuwestiyon naman ng Noranians bakit hindi pam-primetime ang Bilangin ang Bituin sa Langit.

Ang laki ng preparasyon sa drama series na ito, bakit daw ginawang panghapon

Kunsabagay, malakas ang afternoon prime ng GMA 7, di ba?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang Make It With You nina Liza Soberano at Enrique Gil sa mga teleseryeng handog ng ABS-CBN ngayong 2020.
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results