MMK ni Jane de Leon, nagwagi ba sa ratings vs. Magpakailanman nina Max Collins at Pancho Magno?

by PEP Troika
Jan 20, 2020
MMK ni Jane de Leon (left), wagi sa TV ratings ng Kantar Media. Taliwas ito sa datos ng NUTAM kunsaan panalo ang Magpakailanman na pinagbidahan nng mag-asawang Max Collins at Pancho Magno.
PHOTO/S: MMK / Magpakailanman Facebook

JERRY OLEA

Pinost ni Direk Jerrold Tarog sa Instagram nitong Enero 19, Linggo, na nag-first shooting day na ang Darna movie na bida si Jane de Leon.

Kumusta naman ang Maalaala Mo Kaya (MMK) episode ni Jane noong Enero 18, Sabado ng gabi, sa ABS-CBN?

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, naka-20.8% ang MMK episode ni Jane, kontra sa 17% ng Magpakailanman episode ng mag-asawang Max Collins at Pancho Magno.

Pero ayon sa Nationwide (NUTAM) People Ratings ng AGB Nielsen Phils., naka-9.2% lang ang MMK kontra sa 10.6% ng Magpakailanman.

GORGY RULA

Ayon sa NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines, wagi ang karamihang Kapuso shows nitong nakaraang weekend.

Noong Enero 18, Sabado, naka-7.7% ang 24 Oras laban sa 5.6% ng Kuha Mo at 7.6% ng TV Patrol.

Ang Pepito Manaloto naman ay naka-10.3% versus 8.4% ng Home Sweetie Home.

Ang Daddy’s Gurl ay naka-10% laban sa Your Moment na 8.5%.

Continue reading below ↓

Wagi pa rin ang Magpakailanman na naka-10.6%, at 9.2% ang Maalaala Mo Kaya.

Noong Enero 19, Linggo, winner pa rin ang All-Out Sundays na naka-5.3%, at 4.4% ang katapat na ASAP Natin ‘To.

Pati tuloy ang sumusunod na Dear Uge ay tumaas na rin na naka-4.9%, at natalo ang Banana Sundae na may 4.5%.

Dumikit din ang GMA Blockbuster na 5.2% sa FPJ on ABS-CBN na 5.3%.

Hanggang sa prime time noong Linggo ay tuluy-tuloy na mataas ang Kapuso shows.

Naka-6.3% ang 24 Oras versus 5.4% ng TV Patrol, at 7.8% naman ang Rated K.

Ang taas din ng Amazing Earth na naka-10.4%, at 8.2% naman ang Your Moment.

Super-taas din ang Daig Kayo ng Lola Ko na may 12%, at 6.4% ang The Haunted.

Hindi rin matinag-tinag ang Kapuso Mo Jessica Soho na 16.3%, at 5.4% lang ang Kapamilya Super Blockbuster.

Pati ang The Boobay and Tekla Show ay mataas pa rin na may 4.5%, at 3.9% ang Gandang Gabi Vice.

Continue reading below ↓

Samantala, naulinigan din ng PEP Troika na ire-reformat na raw ang Dear Uge, at mapapanood na ito sa darating na Linggo.

Masaya sila dahil mataas ang rating ng farewell episode ng lumang format ng naturang programa ni Eugene Domingo.

JERRY OLEA

Kapamilya programs ang Top 3 sa National TV ratings ng Kantar Media noong Enero 18, Sabado.

Kampeon ang Your Moment na naka-21.9%, kontra sa Daddy’s Gurl na naka-15.4%.

Pangalawa ang MMK na naka-20.8%, kontra sa Magpakailanman na naka-20.8%.

At pangatlo ang Home Sweetie Home Extra Sweet na naka-19.7%, kontra sa Pepito Manaloto Ang Tunay Na Kuwento na naka-17.4%.

Kapuso shows ang Top 2 sa Kantar Media noong Enero 19, Linggo.

Champion pa rin ang Kapuso Mo Jessica Soho na naka-25.0%, kontra sa The Haunted na 14.6%.

Pangalawa ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-21%, kontra sa Your Moment na naka-18.4%.

Pangatlo ang Rated K na naka-19%, kontra sa Amazing Earth na naka-18.1%.

Continue reading below ↓

Ang ASAP Natin ‘To ay naka-10.5%, kontra sa All-Out Sundays na naka-9.1%.

Ang Banana Sundae ay naka-9.7%, kontra sa Dear Uge na naka-8.1%.

Ang Gandang Gabi Vice ay naka-6.2%, kontra sa The Boobay and Tekla Show na naka-5.9%.

NOEL FERRER

Alam ninyo ang posisyon ko about ratings—they are there as a guide to reach a target audience, pero hindi iyan Bible truth.

Mas pinagtutuunan ko ng pansin ang kalidad ng content ngayon, at kung bakit.

Hindi katulad noon, wala na akong palabas na appointed viewing.

Unlike before na kailangan kong nasa bahay at tutok sa mga palabas na hindi mapapalampas, dahil sa teknolihiya, I can watch content anytime at may choice na ako na maglipat-lipat o magpapalit-palit.

Marami nang options ang viewers ngayon. Nakakalula at nakaka-ovewhelm din talaga.

The challenge is how to make your content stand out, be different and excel.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMK ni Jane de Leon (left), wagi sa TV ratings ng Kantar Media. Taliwas ito sa datos ng NUTAM kunsaan panalo ang Magpakailanman na pinagbidahan nng mag-asawang Max Collins at Pancho Magno.
PHOTO/S: MMK / Magpakailanman Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results