A Soldier's Heart ni Gerald Anderson, pinusuan ng mga manonood

by PEP Troika
Jan 22, 2020
Nanaig sa ratings ang first two nights ng bagong Kapamilya primetime series na A Soldier's Heart (kaliwa), habang patuloy naman ang pamamayagpag sa afternoon slot ng Kapuso drama series na Prima Donnas (kanan).
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

JERRY OLEA

Pinusuan ng televiewers ang una at ikalawang pagtibok ng bagong Kapamilya primetime teleserye ni Gerald Anderson na A Soldier’s Heart.

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong Enero 20, Lunes, naka-19.8% ang A Soldier’s Heart, kontra sa 11.7% ng One of the Baes.

Noong Enero 21, Martes, naka-18.6% ang A Soldier’s Heart, kontra sa 11.3% ng One of the Baes.

Nananatiling pinakamataas sa ratings ang Kapamilya primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, at pangalawa ang Make It With You nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Sa hapon, patuloy ang pamamayagpag ng Kapuso teledrama na Prima Donnas, at nagpapakitang-gilas din ang dalawa pang panghapong teledrama ng GMA-7 na Madrasta at Magkaagaw.

Noong Enero 20, Lunes, naka-15.1% ang Magkaagaw, kontra sa 13.9% ng It’s Showtime.

Naka-18% ang Prima Donnas, kontra sa 15.8% ng Kadenang Ginto.

Naka-12.6% ang Madrasta, kaugnay sa 11.4% ng Sandugo.

Continue reading below ↓

Naka-14.1% ang Wowowin, kontra sa 10.8% ng Flower Crew Dating Agency, at 13.8% ng Pamilya Ko.

Noong Enero 21, Martes, naka-13.7% lamang ang Magkaagaw, kontra sa 14.5% ng It’s Showtime.

Naka-17.0% ang Prima Donnas, kontra sa 16.3% ng Kadenang Ginto.

Naka-12.3% ang Madrasta, kontra sa 11.5% ng Sandugo. Naka-11.5% ang Wowowin, kontra sa 9% ng Flower Crew Dating Agency, at 12.4% ng Pamilya Ko.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Mae-extend kaya ang mga panghapong teledrama ng GMA 7?

GORGY RULA

Ang panggabi na lang ang kakaririn ng GMA-7.

Bumalik ang lakas nila sa afternoon prime at pati sa weekend.

Pero nasa mga tao na iyan kung alin ang gusto nilang panoorin.

Mukha namang keber nila kung may survey ang Kantar o ang Nielsen Philippines.

Concern na iyan ng advertisers.

NOEL FERRER

Madaling sabihin na dahil sa maraming options ngayon ang mga tao kaya mahirap nang makaabot ng 20% ng viewership.

Kumokonti na ba ang nanonood talaga ng TV? Ano ba ngayon ang trip ng televiewers?

Continue reading below ↓

Mahirap na itong ispelingin pero challenging ito sa pagbuo ng bago at creative na content na tatawid sa masa.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nanaig sa ratings ang first two nights ng bagong Kapamilya primetime series na A Soldier's Heart (kaliwa), habang patuloy naman ang pamamayagpag sa afternoon slot ng Kapuso drama series na Prima Donnas (kanan).
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results