Faith da Silva, nakilala na ang ex-girlfriend ng kanyang ama, si Ruffa Gutierrez

by PEP Troika
Jan 22, 2020
Faith da Silva on facing her father, former matinee idol Dennis da Silva, who is in prison: “Parang hindi pa... pero parang malapit na malapit na.”
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Noong bata pa si Faith da Silva, nahihiya siyang amining ang dating matinee idol na si Dennis da Silva ang kanyang ama dahil nakakulong ito.

Mahigit labing-anim taon nang nakakulong si Dennis sa Pasig City Jail dahil sa multiple rape charges na isinampa sa kanya, noong 2002, ng kanyang stepdaughter na naanakan niya.

Two years old pa lang si Faith nang huli silang nagkita ng kanyang ama, at nagtampo siya rito.

“I think, ano talaga, naghi-heal iyong time,” matamang sambit ng 18-anyos na si Faith nang makapanayam namin sa mediacon ng teleseryeng Anak ni Waray vs Anak ni Biday nitong Enero 21, Martes ng gabi, sa GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

“Ngayon, tanggap ko na, na ito, nangyari ito dahil sa ganitong rason.

"Wala na akong magagawa doon. Iyon na yun.

So, ang puwede ko na lang gawin, iyong relationship namin, ayusin ko for the better.”

Continue reading below ↓

Ready na siyang makaharap ang kanyang ama?

“Parang hindi pa... pero parang malapit na malapit na.”

Nakaharap na ni Faith si Ruffa Gutierrez, na ang unang boyfriend ay si Dennis.

“Opo. Opo. Nag-taping ako for Dear Uge one time.

"And then, sinabi po sa akin ni Direk Mark—si Direk Mark Sicat din po ang direktor namin noon—sinabi niya na, ‘Huwag mo munang sabihin na ikaw yung ano, ha, anak ni Dennis.’

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Sabi ko, ‘OK po.’

“'Tapos, noong gabi na, before kami ma-pack up, sabi ko, ‘Hello po, Miss Ruffa. Ako po, ahhm, I’m the daughter of Dennis da Silva.’

“'Tapos, gulat na gulat siya. Sabi niya, ‘Oh my God! Nakakaloka ka!’

"Sabi niya, ‘Mag-picture nga tayo dito!’ Tapos, nag-picture kaming dalawa.

“Sabi niya, kamukhang-kamukha ko nga raw si Papa.”

GORGY RULA

Inihahanda ni Faith ang sarili bago niya mapagdesisyunang dalawin ang Papa Dennis niya sa kulungan.

Wala naman daw siyang galit, natatakot lang daw siya para sa kanyang sarili.

Continue reading below ↓

Hindi raw kasi sure si Faith kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nakita ang kanyang ama.

May communication naman daw sila ni Dennis, kung saan nagpapalitan sila ng mensahe sa text o kaya sa Messenger.

Proud naman daw ang papa ni Faith sa pagpasok niya sa showbiz, at updated daw ito sa nangyayari sa kanya.

Thankful si Faith na napasama siya sa Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, at hindi raw siya pinababayaan ng GMA-7.

Pero wish niya pala talaga ay magbida sa isang seryeng mala-Marimar.

Ang laki ng ipinayat niya ngayon at lalo siyang sumeksi at gumanda.

Pinag-iisipan din daw niyang pasukin ang beauty pageants kapag handang-handa na siya.

NOEL FERRER

Teka, teka, sino na bale ang nanay ni Faith?

Wala akong masabi, pero sana, dahil sa pagpasok niya sa industriyang ito, lalo pa niyang mapaunlad ang buhay ng kanyang pamilya.

Have faith, Faith!

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Faith da Silva on facing her father, former matinee idol Dennis da Silva, who is in prison: “Parang hindi pa... pero parang malapit na malapit na.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results