Dina Bonnevie, binalikan kung paano sila nagkaayos ni Coney Reyes

by PEP Troika
Jan 23, 2020
Dina Bonnevie (left) on renewed friendship with Coney Reyes: "Pero ayun, kaya sabi ko, ‘God is good.’ Parang He really finds a way to heal your heart and to heal the relationships. And parang, from how she was before and now, kapuri-puri talaga. I admire her, and I’m happy."
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Hindi itinanggi ni Dina Bonnevie nang tinanong namin kung si Coney Reyes ba ang tinutukoy niyang dating kaibigan na nakasamaan ng loob dahil sa parehong lalaking minahal nila.

Nabanggit kasi ni Dina sa mediacon ng upcoming primetime series na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na tila naka-relate siya sa role na ginagampanan niya—isang Ilocana na nakaalitan ang best friend niyang Waray, na ginagampanan ni Snooky Serna, dahil sa lalaking minahal nila.

Sa tunay na buhay, parehong minahal nina Dina at Coney ang comedian-TV host na si Vic Sotto.

Ikinasal sina Dina at Vic noong 1982, pero nagkahiwalay sila noong 1986. Na-annul ang kanilang kasal noong 1992.

Mayroon silang dalawang anak—sina Danica at Oyo Sotto.

Sina Coney at Vic ay nagkasama sa noontime show na Eat Bulaga, mula 1982 hanggang 1995.

Nagkarelasyon sina Coney at Vic, at nagkaroon ng isang anak—si Vico Sotto, na kasalukuyang mayor ng Pasig City.

Continue reading below ↓

Sa presscon ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, ipinaliwanag ng co-star ni Dina na si Celia Rodriguez na masakit talaga kapag kaibigan mo ang involved sa isang lalaking minahal ninyo.

Pero sa kabila ng mga nangyari kina Dina at Coney, nanumbalik daw ang magandang pagkakaibigan nila.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa katunayan, ayon kay Dina, si Coney ang dahilan kaya lalo siyang napalapit sa Diyos.

“I was going already to that church, pero another branch, and then niyaya niya ako.

"Sabi niya, ‘Come, join me.’ Sabi ko, ‘Totoo ba ‘to? Sasama ba ako dito?’

“Pero ayun, kaya sabi ko, ‘God is good.’ Parang He really finds a way to heal your heart and to heal the relationships.

“And parang, from how she was before and now, kapuri-puri talaga.

“I admire her, and I’m happy,” pahayag ni Dina tungkol sa friendship nila ni Coney.

Parang pareho rin daw silang nasa pulitika na dahil ang asawa ni Dina na si DV Savellano ay congressman ng Ilocos Sur, at ang anak naman ni Coney na Vico ay mayor ng Pasig City.

Continue reading below ↓

Bilib na bilib si Dina kung paano pinalaki ni Coney si Vico.

Saad niya, “I’m so proud of Vico… parang he was really raised well.

“Sa akin, kudos to her for raising Vico well.

"Parang sa akin… tingnan mo nga naman ang Panginoon, ano? Talagang nagagawa Niya kung paano rin ako naging mas malalim na Kristiyano."

Mas kalmado na raw si Dina ngayon, at ayaw na niyang may kaaway.

“Ang pangit kasi ng may kaaway. Ang pangit ng meron kang hindi kabati, yung meron kang iniiwasan.

“E, ako pa naman, I’m so transparent, di ba?

“Kahit sabihin kong, 'A, hindi kami magkagalit,' pero kitang-kita sa mukha ko na ano, di ba?’

“Pero never kasi nangyari yun, e. Kapag may kaaway ako, alam niya yun. Hindi ko itinatago.

"Saka alam din ng mga nakapaligid," saad ni Ms. D.

NOEL FERRER

All’s well that ends well—and in God’s perfect time.

Naaayos din lahat kung may kusa ang bawat isa na mag-focus sa kabutihan ng tao.

Continue reading below ↓

Sana’y magsilbing inspirasyon ang nangyari kina Dina at Coney sa ibang mga taong kailangang maghilom ang mga puso at relasyon.

JERRY OLEA

Huwag mong itanong kung bakit ba ganyan.

"Bakit Ba Ganyan" (1981) ang hit song ni Dina Bonnevie, na nilikha ni Vic Sotto para sa kanya.

“Ewan ko ba, bakit ba ganyan/ Damdamin ay di maintindihan/ Kailangan ang pag-ibig mo/ Dahil sa ako’y nagmamahal sa ‘yo...”

Ikinasal sila at nagkaroon ng dalawang anak, sina Oyo at Danica.

Nagkahiwalay at later on ay napawalang-bisa ang kasal.

Huwag Mong Itanong Kung Bakit (1988) ang title ng isang Viva movie ni Dina, na idinirek ni Eddie Garcia.

Huwag mong itanong kung bakit umibig si Coney Reyes kay Vic Sotto, at si Vico ang naging bunga niyon.

1982-1995 naging co-host si Coney sa Eat Bulaga.

Kasama ang pangalan ni Coney sa original lyrics ng theme song ng Eat Bulaga! na in-introduce noong 1982:

Continue reading below ↓

“Sina Tito, Vic at Joey/ Kasama pati si Coney/ Silang apat ay nagbibigay/ Ligaya sa ating buhay...”

Nagkahiwalay rin sina Vic at Coney.

Umibig at nagkaanak si Vic sa ibang babae.

Hanggang sa naging co-host si Pauleen Luna sa Eat Bulaga.

May kani-kaniyang buhay na sina Dina, Vic at Coney.

Maligaya tayo na wala nang mga “tinik sa dibdib” ng magkaibigang Coney at Dina.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dina Bonnevie (left) on renewed friendship with Coney Reyes: "Pero ayun, kaya sabi ko, ‘God is good.’ Parang He really finds a way to heal your heart and to heal the relationships. And parang, from how she was before and now, kapuri-puri talaga. I admire her, and I’m happy."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results