Mabait at masunuring aktor, hindi ina-out ng mga kasamahan sa trabaho

by PEP Troika
Jan 23, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Mabait, magalang, at masunurin ang isang mahusay na aktor.

Isinapuso niya ang mga aral ng kanyang mentor para magtagal siya sa industriya ng showbiz.

Madali siyang lapitan maging ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay.

Lagi-lagi siyang nakangiti kahit may dinadamdam siya o pinagdadaanan.

“The show must go on,” 'ika nga.

Inintriga man siya ng ina ng isang premyadong aktres ay nanahimik lang ang mabait na aktor.

Pinairal niya ang paggalang sa nakatatanda.

Kung sa iba iyon nangyari, baka nagngitngit na at sumabog na tila bulkan.

Kaya hindi tayo nagtaka na patuloy siyang binibiyayaan, at sandamukal ang nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.

“Love begets love.”

Sa set ng isang TV show, napansin ng executive producer (EP) na pumipila-pilantik ang mga daliri ng aktor.

Halata ang lamya. Sumisingaw ang lansa.

Ipinatawag ng E.P. ang mabait at masunuring aktor para pagsabihan, “Nahahalata ang kabadingan mo! Ayusin mo iyan!”

“Opo,” magalang na tugon ng aktor.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Feeling ko nga, kahit ang leading lady ni aktor ay knows na rin kung ano talaga ang preference nito sa pag-ibig.

Minsan sa biruan nila ay inilalaglag pa raw ni leading lady itong si aktor, pero hanggang biruan na lang at hindi naman napipikon si aktor.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Totoo kasi siyang makisama, kaya ayaw niyang mag-pretend at ipinapakita niya ang totoong siya.

Pero hindi siya puwedeng magladlad nang bonggang-bongga alang-alang sa career at pagmamahal ng fans niya.

Love ko itong si aktor, kaya ipagtatanggol ko siya sa mga intriga.

Basta, tunay siyang makisama at lalaking kausap.

Hindi katulad ng ilang tunay na lalaking aktor na ubod ng eklayero!

NOEL FERRER

In fairness, mabait talaga ang aktor na ito kaya hindi ako nagtataka sa malasakit sa kanya ng mga tao sa paligid niya.

OK naman ang pagmamalasakit na ganoon. Pero hanggang kailan ikukubli ang kanyang tunay na pagkatao?

Hindi ba’t mas liberating at mas mamahalin siya kapag nag out na?

Continue reading below ↓

Oh well, lalabas din iyan... sa tamang panahon.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results