Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Singers, musicians nagsanib-puwersa para sa Tulong Taal

by PEP Troika
Jan 26, 2020
Ang Tulong Taal: A Musical Collaboration for Taal Rehabilitation ay isang fundraising concert na magaganap sa Pebrero 1, sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

NOEL FERRER

Sinusuportahan natin ang ganitong efforts dahil hindi pa tapos ang pagdurusa ng mga kababayan natin sa Batangas, at may tunay na banta pa ng pagsabog muli ang bulkang Taal.

Ang maganda sa mga ganitong kalamidad at sakuna, dito nasusukat ang tatag ng pagkakaisa nating mga Pinoy—lalo na iyong mga kasama natin sa ating industriya na tunay na may malasakit at pagmamahal sa kapwa.

JERRY OLEA

Sanib-puwersa ang mga mang-aawit at entertainers sa Tulong Taal: A Musical Collaboration for Taal Rehabilitation sa Pebrero 1, Sabado, 6 p.m., sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Tampok dito sina Angeline Quinto, El Gamma Penumbra, Gerphil Flores, Isay Alvarez-Seña, Robert Seña, Jamie Rivera, Jenine Desiderio, Bayang Barrios, Richard Reynoso, at Frenchie Dy.

Nandun din ang The Company, Mandaluyong Children’s Choir, Jose Rizal Institute Singers, The Fortenors, kasama sina Beverly Salviejo, Carla Guevarra-Laforteza, Alakim, Janice Javier, Kiel Alo, Lawrence Mossman, Poppert Bernadas, Tricia Canilao, Vehnee Saturno, at Zephanie.

Continue reading below ↓

Sabi ng kaibigang Bayang Barrios nitong Enero 26, Linggo ng umaga via Messenger, “Isay Alvarez called artists friends to be part of this. Isa ako sa nag-yes.

“Ang importante, makatulong kahit sa ganitong paraan. From recording to the concert ay talagang free ito.

“Maganda ang layunin nito, kasi, pangmatagalang tulong ang naisip na ibigay sa communities. Sana, mas malawak ang marating...”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hindi rin alam ng kaibigang Beverly Salviejo kung paano nabuo ang Tulong Taal show. Aniya, ang magandang tanungin tungkol dito ay sina Isay Alvarez, Dr. Carl Balita, at Vehnee Saturno.

Pahayag pa ni Beverly, “I was just invited by Isay to perform sa Tulong Taal show. “Sa dami ng performers na mukhang iba-iba ang style ng pag-perform, I am sure that the audience will be in for a treat.

“Hindi mahal ang ticket, mag-e-enjoy na sila, makakatulong pa sa mga tinamaan ng pag-aalburoto ng Taal Volcano.

“Natutuwa ako na napasama ako sa fundraising na ito, kasi, iba ang thrust ng pagtulong... HINDI RELIEF GOODS GIVING... kundi pagtulong na makabangon ang mga nasalanta by helping them with their livelihood.

Continue reading below ↓

“Marami sa evacuees ang nagsasabi na wala na silang babalikang hanapbuhay. Alam mo naman na expertise ni Dr. Carl Balita iyan tungkol sa entrepeneurship, matuturuan ang mga nasalanta kung paanong makakapag-hanapbuhay muli.

“Di ko pa alam kung paano mapipili ang beneficiaries, isa uling tanong iyan para kina Dr. Carl et al, pero nakakatuwa na ang naisip nilang goal ay life-changing para sa mga biktima...

“Oo naman, maraming nagdo-donate ng relief goods, pero mas mahirap at napakahalaga iyung paano na sila paglabas ng evacuation center.”

Ang halaga ng tiket sa Tulong Taal ay PHP1000, PHP500 at PHP300. Para sa tiket, makipag-alam sa mobile number 0938-830-0350.

JERRY OLEA

Sabi naman ni Jenine Desiderio, “The one who started and organized it is my good friend Isay Alvarez alongside Carl Balita.

“Relief goods the evacuees are receiving now are just for the short-term immediate good. The bigger question is how do they start again from all this?

Continue reading below ↓

“They’ve lost their homes and livelihood. Proceeds of the show will go to the rehabilitation of all affected in terms of livelihood to start again.

“We, as artists, put our talents and efforts for free, to put up this show/project to hopefully gather an amount enough to realize our goal.”

GORGY RULA

Naramdaman na raw sa ibang lugar sa Batangas na matumal na ang dating ng tulong. Sa ibang barangay naman ay tambak at sobra-sobra pa. Kaya sana, parehas ang pagpapadala ng tulong, na maayos ito mabuti ng local government units (LGUs) doon.

Malaking bagay ang tuluy-tuloy na pagpunta ng mga kilalang celebrities para magdala ng tulong. Sana, marami pang kasunod dahil hindi natin alam kung hanggang kailan sila roon. Sobrang naiinip na ang karamihan dahil umaasa lang sila sa dumarating na tulong. Gusto na nilang makapagtrabaho uli at maging normal na ang takbo ng buhay nila.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Tulong Taal: A Musical Collaboration for Taal Rehabilitation ay isang fundraising concert na magaganap sa Pebrero 1, sa Cuneta Astrodome, Pasay City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results