Pagpapatawa ng GGV at TBATS, pasok ba sa panlasa ng Pinoy viewers?

by PEP Troika
Jan 27, 2020
Naaaliw ba ang mga manonood sa klase ng pagpapatawa ng late-night comedy programs na Gandang Gabi Vice (kaliwa) at The Boobay And Tekla Show (kanan)?
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

NOEL FERRER

Hindi ko napigilang mag-post sa social media pagkatapos kong mapanood ang “Sagot o Lagot” segment ng Gandang Gabi Vice nitong Enero 26, Linggo ng gabi, sa ABS-CBN.

Ang guest na si Arci Muñoz ay pinasasagot ng mga tanong tulad ng: sino sa mga nakatrabaho niya ang may body odor, sino ang ka-partner niyang hindi dyodyowain, at ano ang ranking niya sa mga leading men na best at worst kisser.

Isa sa consequences ay ang pagsubo sa lollipop na nakasingit sa paa ng isang malaking komedyante.

Sinuong ito ni Arci nang may matinding pambubuyo mula sa audience.

Sa katapat namang programa na The Boobay And Tekla Show (TBATS), may pa-beauty contest ng mga matatabang bading, na ang tawag ay "Binibining Bi-GAY-tin."

Oo, gets kong katuwaan lang lahat ng ito, pero tulad ng Facebook post ko, ang tanong ko:

ITO NA BA TALAGA ANG ANTAS NG PAGPAPATAWA AT PANG-ALIW SA TELEBISYON?

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Nag-e-evolve ang panlasa ng mga manonood.

Kung katanggap-tanggap ito sa televiewers at walang magrereklamo sa MTRCB... tuloy ang ligaya.

Kung may mga pormal na magrereklamo sa MTRCB, doon makagagawa ng kaukulang aksyon ang ahensyang pinamumunuan ni Chair Rachel Arenas.

May batayan ba ang reklamo? Kung meron, anu-ano ang options na puwedeng ipatupad?

GORGY RULA

Ratings na kasi ang labanan. Walang pakialam ang production kung may saysay ba ang pinapanood ng televiewers.

Isang magaling na aktres nga ang di maatim ang ipinapagawa sa kanila sa isang primetime show.

Pero sinasabi ng production staff, kailangang gawin kasi yun ang nagri-rate.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naaaliw ba ang mga manonood sa klase ng pagpapatawa ng late-night comedy programs na Gandang Gabi Vice (kaliwa) at The Boobay And Tekla Show (kanan)?
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results