Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Anak ni Waray vs Anak ni Biday, ma-TKO kaya ang FPJ's Ang Probinsyano sa ratings?

by PEP Troika
Jan 27, 2020
Barbie Forteza (left), Migo Adecer (center), at Kate Valdez (right), handa na bang makatapat si Coco Martin sa primetime TV?
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Love triangle sina Ginalyn (Barbie Forteza), Cocoy (Migo Adecer), at Caitlyn (Kate Valdez) sa Kapuso primetime series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

Mag-uumpisa ang nasabing serye ngayong Enero 27, Lunes ng gabi, bilang bagong kasalpukan ni Cardo Dalisay (Coco Martin) ng FPJ’s Ang Probinsyano.

"Ongoing ba iyong Probinsyano?!" kunwa'y gulat na bulalas ni Migo.

"Grabe! Hindi ko alam! Sa totoo lang, hindi ako nanood ng TV. Wala kaming oras. Hahaha!

"Pero sa akin, hindi masyadong importante iyong ratings.

"Kasi minsan, kapag nasa isip mo lagi, ratings, doon napunta ang focus mo, hindi sa acting.

"Kung hinayaan mo iyan, at nag-focus ka lang sa acting mo, of course, good things will follow.

"So, don’t skip the process. Parang ganoon."

Humarap sina Migo, Kate, at Barbie sa mediacon noong Enero 21, Martes ng gabi, sa GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

First time ni Kate na magka-title role sa isang prime-time teleserye. Ano ang feeling na FPJ’s Ang Probinsyano ang kalaban nila sa ratings?

Continue reading below ↓

Napabuntong-hininga si Kate sabay hawak sa dibdib.

"Of course, pressure po.

"But still, nanginginabaw ang saya dahil nga masayang kasama ang mga castmate ko dito sa show."

Napangiting sabi pa ng young actress, "And siguro po, hindi na lang akong masyadong magpo-focus doon. Because sa work ka dapat mag-focus."

Nakatapat na noon ng Kara Mia nina Barbie at Mika de la Cruz ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Kung hindi ma-renew ang franchise ng ABS-CBN, puwedeng ma-TKO (technical knock out) ito sa Game of Ratings.

Mapapatumba ni Barbie si Coco sa second round?!

Ang defunct Kapuso prime-time show ni Barbie na Kara Mia ay nakatapat ang FPJ's Ang Probinsyano, mula February 18 hanggang June 28, 2019.

Pahayag ni Barbie, "Siyempre, andoon pa rin naman iyong fact na mabigat talaga ang kalaban namin.

"Pero para sa akin, sa lahat naman po ng naging proyekto ko, wala naman iyong basta-basta lang.

"Wala naman iyong basta ginawa na lang. Palagi naman kaming 100 percent, 200 percent kung mag-perform, and mag-deliver ng show.

Continue reading below ↓

"So, para sa akin, parang it’s not necessary to feel pressured anymore when you have this good project."

Friendly competition ang turing ni Barbie sa kabugan nila with FPJ’s Ang Probinsyano.

"Kahit anong project pa iyan, dito man sa GMA o sa kabila, lahat naman, ginagawa iyong best para mapasaya iyong mga manonood gabi-gabi," sambit ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie.

"Siguro, iyon na lang ang isipin."

GORGY RULA

Tawang-tawa nga si Barbie nang sinabing apat na probinsyana (dalawang Waray at dalawang Ilocana) ang makakatapat ng isang probinsyano.

Pero ayaw na raw niyang magpa-pressure pa dahil sure daw siyang maganda ang ginawa nila at tiyak na magugustuhan ng mga manonood.

Ayaw na lang daw niyang isiping kumpetisyon pa ito. Ang mahalaga ay mapasaya nila ang mga manonood.

Ang isa pang ikinatuwa ng Kapuso Primetime Princess, nabuo ang magandang friendship nila ni Kate pati ang co-stars at production staff ng show.

Continue reading below ↓

May binuong Viber group ang executive producer nila, at doon sila nagkukuwentuhang lahat na nabuo ang magandang samahan sa set.

Mamaya pala sa pilot episode nito ay sisimulan ng dalawang premyadong Kapuso actress na sina Lovi Poe at Max Collins ang kuwentong ito ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

NOEL FERRER

Marami nang programang itinapat sa FPJ’s Ang Probinsyano pero laging kapos!

Tingnan natin kung huhusto ang proyektong ito ni Barbie, na matagal ko nang sinasabing kilalang magaling na aktres.

Dekalibre ang mga artistang sumusuporta sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday, kabilang sina Dina Bonnevie, Snooky Serna, Jay Manalo, Teresa Loyzaga, at Celia Rodriguez.

Kumusta rin pala ang The Gift ni Alden Richards?

How did that fare versus Make It With You nina Liza Soberano at Enrique Gil?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza (left), Migo Adecer (center), at Kate Valdez (right), handa na bang makatapat si Coco Martin sa primetime TV?
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results