Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Lawyer ni Nadine Lustre, hindi nagpatinag sa bantang lawsuit ng Viva Artists Agency

by PEP Troika
Jan 28, 2020
Legal counsel ni Nadine Lustre (nasa larawan) na si Atty. Lorna Kapunan, tinawag na "wrongful" at "malicious" ang umano'y pang-iipit ng Viva Artists Agency sa aktres.
PHOTO/S: @nadine Instagram

GORGY RULA

Nasa New York ang abogado ni Nadine Lustre na si Atty. Lorna Kapunan, pati ang buong team ng Kapunan & Castillo Law Offices, nang inilabas nila ang statement kaugnay sa pagkalas ng aktres sa Viva Artists Agency (VAA).

Sa pamamagitan ng text at Viber, sinagot ni Atty. Kapunan ang lahat ng katanungan namin tungkol sa kaganapang ito.

Pagkatapos mabasa ni Atty. Kapunan ang sagot ng VAA, ipinadala niya sa PEP Troika ang kanyang rejoinder.

Ito ang kanyang pahayag:

"We welcome any legal action by VIVA so their unconscionable, oppressive and illegal Contract with Nadine (and their other artists) can be litigated in the proper forum.

"It’s about time that a David strikes out a Goliath that has taken advantage of young artists in the industry for the longest time.

"Viva lawyers have not replied to our earlier letters but chose to wait in ambush to malign Nadine and harass Third parties dealing with her in good faith.

Continue reading below ↓

"This is wrongful and malicious Contract interference by VIVA actionable in law for damages."

Nilinaw na rin namin kay Atty. Kapunan kung sa VAA lang ba umalis si Nadine.

Paano ang commitment nito sa Viva Films? Under contract pa rin ba ang aktres sa film company ng Viva?

Sagot ni Atty. Kapunan: "Nadine revoked her Agency and Management Contract with VAA, based on the concept of agency under the Civil Code.

"Her Exclusive Movie Contract, which is not with VAA but with Viva Communications, Inc., still subsists, subject to her right to refuse making movies."

NOEL FERRER

Let the legal battle begin.

Anuman ang mararating nito, sana’y maliwanagan tayo sa tunay na karapatan ng mga manggagawa at kompanyang pinagtatrabahuan nila.

Aantabay tayo dahil marami tayong matututunan dito.

JERRY OLEA

Institusyon na sa local movie industry ang Viva Films.

Namayagpag ito noong 1980s sa mga pelikulang pinagbidahan ni Sharon Cuneta.

Rumatsada rin ang box-office hits ni Vilma Santos sa Viva.

Continue reading below ↓

Nitong 45th Metro Manila Film Festival (MMFF), napatalsik si Vice Ganda sa kanyang trono bilang consistent highest box-office drawer.

Ang MMFF entry ng Viva na pinagbidahan ni Aga Muhlach, ang Miracle in Cell No. 7, ang nag-No. 1 sa takilya.

Kasama sana si Nadine sa miraculous movie na ito, ngunit umayaw siya kaya pinalitan siya ni Bela Padilla.

Viva ang nagprodyus ng pelikulang Never Not Love You (2018), kung saan naging best actress si Nadine sa Gawad Urian at FAMAS, at best performer sa Young Critics Circle.

Viva ang nagprodyus ng Diary ng Panget (2014), na nagpasikat sa kanila ni James Reid.

Kaabang-abang ang mga susunod na kaganapan sa tangkang paglayas ni Nadine sa Viva.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Legal counsel ni Nadine Lustre (nasa larawan) na si Atty. Lorna Kapunan, tinawag na "wrongful" at "malicious" ang umano'y pang-iipit ng Viva Artists Agency sa aktres.
PHOTO/S: @nadine Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results