Catriona Gray, pang-Miss Universe ang speech bilang arts ambassador ng NCCA

by PEP Troika
Jan 28, 2020
Miss Universe 2018 Catriona Gray (center), hinirang na bagong arts ambassador ng National Commission for Culture and the Arts. Ang Kapuso singer na si Julie Anne San Jose (in white dress) at Kapamilya singer na si KZ Tandingan (in striped ensemble) ay parehong itinalaga bilang music ambassadors.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Inilunsad ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) si Miss Universe 2018 Catriona Gray bilang Arts ambassador ng 2020 nitong Enero 28, Martes, sa NCCA Building Gen. Luna Street, Intramuros, Manila.

"I believe artists always create with intention," matatas na pahayag ni Catriona.

"And in my pursuit to conquer my universe, I always wanted to showcase the beauty and the intricate uniqueness of the Philippines to the universe platform, whether it be to our heritage, our art, our history, our textiles, our music, or our dance.

"And in doing so, I felt that as an ambassador in my own right, representing the Philippines, I was able to play the part in having the new generation sit up and take note, and to appreciate what the Philippines has uniquely offer.

"And it has become my personal advocacy, aside from advocating for education and for HIV-AIDS... to instill a sense of burning pride for our country of the Philippines to the new generation."

Continue reading below ↓

Pinalakpakan nang masigabo si Catriona, at may mga napahiyaw pa.

Pagpapatuloy ni Catriona, "My love for our arts and culture was not something that I was born to due to my mixed heritage.

"It was something that was grown, learned, and embodied.

"And since the theme of the National Arts Month this February 2020 is Ani ng Sining—The Harvest of the Arts.

"As you know, the harvest starts with planting and sowing a seed, and so I have fervent hope that we can instill and grow a fierce love and passion for the Philippine arts and culture in each and everyone of us.

"And in doing so po, I know that the world will sit up, take notice and give us a standing ovation.

"Maraming salamat po. This is a great honor. Mabuhay ang lahat ng Filipino artists po! Thank you!"

Inilunsad din sa NCCA event si Julie Anne San Jose bilang bagong Music ambassador, at ni-renew naman si KZ Tandingan bilang Music ambassador sa pangalawang taon.

Continue reading below ↓

Ginawaran sina Catriona, KZ, at Julie Anne ng sketches na iginuhit ng artists habang ongoing ang event, plake ng pagkilala, tig-iisang set ng T’boli dolls, at indigenous attire.

Maliban kay KZ, ang dalawa pang Arts ambassador na ipina-presscon ng NCCA last year ay sina Ian Veneracion at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

NOEL FERRER

Mabuhay ang Sining at Kulturang Pilipino!

Sana, with Catriona being an Arts ambassador, maging significant ang kontribusyon niya sa Sining at Kulturang Pinoy.

Like hone her music skills and other talents and be known for excellence para hindi pam-presscon lang!

Suportahan natin ang National Arts Month!

Ang Visayas opening program ay sa Enero 31, Biyernes, sa Ormoc City, Leyte.

Ang NCR opening program ay sa Pebrero 1, Sabado, sa Rizal Park, Manila.

Tampok dito ang workshops sa seven arts, performances, at short film screening.

Ang Luzon opening program ay sa Pebrero 4, Martes sa Puerto Princesa City, Palawan.

Continue reading below ↓

Ang Ani ng Dangal awarding ceremonies ay nakatakda sa Pebrero 24, ayon kay NCCA Chairman Arsenio “Nick” Lizaso.

GORGY RULA

Ang daming influential celebrities ang nag-e-endorse ng ating sining.

Pero sa napapansin ko lang, hindi pa rin ganoon kapursigido ang ating gobyerno na mapayabong ito, at lalong ilapit sa mga kabataan na mas inuuna ang social media.

Kahit sabihin mang nandiyan ang pagsisikap ng NCCA, sa aking paningin ay wala ito sa mga mahahalagang dapat harapin ng ating Pangulo.

Sana, may ilang taong malapit sa kanya na magpapaliwanag kung paano natin pahalagahan ang ating sining at kultura.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2018 Catriona Gray (center), hinirang na bagong arts ambassador ng National Commission for Culture and the Arts. Ang Kapuso singer na si Julie Anne San Jose (in white dress) at Kapamilya singer na si KZ Tandingan (in striped ensemble) ay parehong itinalaga bilang music ambassadors.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results