Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Mikael Daez at Megan Young, limang taon nang engaged bago ikasal

by PEP Troika
Jan 29, 2020
Inamin ni Mikael Daez na "biglaan lang" at wala siyang bitbit na engagement ring nang mag-propose siya noong 2014 sa long-time girlfriend, at ngayon ay asawa na niyang si Megan Young.
PHOTO/S: Noel Orsal, @mikaeldaez on Instagram

GORGY RULA

Taong 2014 pa pala nag-propose si Mikael Daez sa long-time girlfriend, at ngayon ay asawa, na si Megan Young.

Ang cool lang ng proposal niyang iyon, nang lumuhod si Mikael at tinanong si Megan kung nakahanda na ba itong pakasalan siya. Pero wala raw siyang singsing na ipinasuot.

“Kahit ako, hindi ko na maalala kung kailan. Feeling ko, early 2014,” masayang lahad ni Mikael sa mediacon ng Kapuso drama series na Love Of My Life nitong Martes, Enero 28.

“Hindi ko na nga maalala iyong details, e. Alam ko, sa isang hotel, nagha-hangout lang kami. Nag-uusap lang kami with one another. Biglaan lang.

“When I proposed, hindi ako prepared. Naramdaman ko lang…wala akong singsing.

“Yung singsing na nakita ninyo in my Instagram post, the blue one, I actually gave that January 1, 2020.

Continue reading below ↓

“Parang… iyon lang urge na tanungin siya na mag-commit kay Megan… and sabi ko, inire-respect iyong urge na ‘to. Tinanong ko nga siya, and she said yes. And five years later, happily ever after, di ba?”

Nagkaroon daw muna sila ng civil wedding sa Caleruega, Batangas noong January 10, at church wedding naman sa Subic, Zambales noong January 25.

Kaya bahala na raw kung sa January 10 o sa January 25 nila i-celebrate ang kanilang wedding anniversary.

Depende raw kung kailan nila gustong i-celebrate.

Inspired nga raw siya sa bagong drama series niya dahil nag-iisa lang ang masasabi niyang “love of my life,” ang asawa niyang si Megan Young-Daez.

Sa February 3, Lunes na pala magsisimula ang Love Of My Life, pagkatapos ng The Gift sa GMA 7.

NOEL FERRER

Sinubok ng panahon at naging matatag na ang samahang Mikael at Megan beyond showbiz.

Well-grounded ang dalawang ito, at natuwa ako sa kasimplehan ng seremonya ng kasal nila.

Continue reading below ↓

Alam natin na nakakatulong na may mundo sila apart from show business. Okay iyan.

Sa showbiz, okay na patuloy ang kanilang assignments, pero mahalagang mahanap nila ang lugar ng kanilang kahusayan kung saan sila kikilalanin sa kanilang kagalingan.

JERRY OLEA

Setyembre 28, 2013 kinoronahang Miss World si Megan sa Bali, Indonesia.

Ilang buwan pa lang ang reign niya bilang Miss World, tinanggap na niya ang proposal ng love of her life na si Mikael.

Swak sila sa isa’t isa bilang travel buddies. Pinagtibay ng panahon ang kanilang pagmamahalan.

Nawa’y mabiyayaan agad sila ng supling!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inamin ni Mikael Daez na "biglaan lang" at wala siyang bitbit na engagement ring nang mag-propose siya noong 2014 sa long-time girlfriend, at ngayon ay asawa na niyang si Megan Young.
PHOTO/S: Noel Orsal, @mikaeldaez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results