JERRY OLEA
Mag-uumpisa na sa Pebrero 8 ang taping ni Sen. Bong Revilla para sa weekly fantasy series na Agimat ng Agila, na mapapanood sa GMA 7.
“Again, nagpapasalamat ako sa GMA, sa Kapuso, at winelcome back nila ako despite sa mga pinagdaanan ko,” pahayag ni Sen. Bong sa thanksgiving lunch nitong Huwebes, Enero 30, sa Annabel’s sa Morato Avenue, Quezon City.
“Nandiyan pa rin sila. Hindi nila ako pinabayaan. Itong project ko, isang proyekto na pambata, na definitely may agimat, kaya ang title niya ay Agimat ng Agila.
“Pero ibang attack, ibang approach, at sabi ko nga, sisiguraduhin natin na iibigin ng mga manonood. Kung ano iyong hinahanap nila sa mga pelikula ngayon, na matagal-tagal na ring nawala, gagawin po natin dito.
“And we will make sure na magugustuhan ito ng ating mga kababayan. Talagang pinaganda iyong script. Binusisi naming mabuti. Pinaghandaang mabuti.
“Maski iyong mga effects, pinapaganda namin.”
Ayaw pang i-reveal ni Sen. Bong kung sinu-sino ang co-stars niya sa Agimat ng Agila, dahil baka magkaroon pa ng mga pagbabago sa casting.
May mga isina-suggest ba si Sen. Bong para mag-guest sa Agimat ng Agila?
“Of course. Pero ipaubaya na natin iyon sa GMA,” nakangiting pakli ni Sen. Bong.
Open ba siyang mag-guest dito si Janine Gutierrez?
“Oo naman. Walang problema sa akin ‘yan.”
Syanga pala, kasama ni Sen. Bong sa thanksgiving lunch ang maybahay niyang si Bacoor City Mayor Lani Mercado.
NOEL FERRER
Kung may ganitong bagong papasok na weekly fantasy program na pambata, ano ang programang papalitan?
Ang Daig Kayo ng Lola Ko kaya?
Congratulations, Senator Bong! Looking forward to your projects po!
GORGY RULA
Ang Agimat ng Agila ang unang napabalitang ipapalit sa timeslot ng Daig Kayo ng Lola Ko.
Pero sa ngayon ay ang ganda-ganda ng ratings ng Daig… ni Lola Gloria Romero, kaya hintayin na lang natin ang announcement ng GMA 7.
Sabi naman ni Sen. Bong, baka March o April pa ang airing ng Agimat ng Agila.
Mas nagpu-focus muna sila ngayon sa pre-production dahil natsa-challenge si Direk Rico Gutierrez sa proyektong ito.