Pagiging malamig ng JoshLia sa isa't isa, nakaapekto sa box office ng Block Z?

by PEP Troika
Feb 3, 2020
Nakaapekto ba sa box office ng Block Z ang pagiging malamig ng dating magkasintahang Joshua Garcia at Julia Barretto? O ang takot ng publiko sa coronavirus?

NOEL FERRER

P4M sa first day (Enero 29, Miyerkules) and P3M sa second day (Enero 30) nga ba ang box-office take ng pelikulang Block Z?

With Star Cinema’s full promo support, bakit kaya ganito lang ang sinapit ng pelikula?

Nakaapekto ba ang pagiging malamig nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa isa’t isa noong promo?

O mas nadale sila ng babala sa pagpunta sa public places dahil sa novel coronavirus sa bansa?

Ano sa tingin ninyo, mga ka-Troika?

Nakakalungkot na halos wala pang kumikitang pelikulang Pilipino pagkatapos ng MMFF.

JERRY OLEA

Sa apat na local movies na nag-open last month, pinakamalakas na iyang Block Z.

Kumpara sa Mia (Edgar Allan Guzman at Coleen Garcia) na nag-showing noong Enero 15; maging sa D’Ninang (Ai-Ai de las Alas at Kisses Delavin) at Nightshift (Yam Concepcion) na nagsabay noong Enero 22—puwedeng sabihing mild blockbuster ang zombie movie ng JoshLia.

Sa dami ng nakakarinding ganap nitong Enero, tinamad ba ang moviegoers?

Continue reading below ↓

Kabilang sa magso-showing ngayong buwan ng pag-ibig ang On Vodka, Beers and Regrets (Bela Padilla at JC Santos) sa Pebrero 5, James & Pat & Dave (Ronnie Alonte & Loisa Andalio & Donny Pangilinan) sa Pebrero 12, at Untrue (Cristine Reyes at Xian Lim) sa Pebrero 19.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Alin kaya rito ang pupusuan at pagkakagastusan ng mga manonood, partikular ng mga magsing-irog?

GORGY RULA

Okay na yung P4M na first-day earnings ng isang Pinoy film, di ba?

Hindi ko pa napanood, pero wala pa akong nakukuhang good reviews.

Sabi ng ilang insiders, hindi raw pumalo ang Block Z sa mga sumunod na araw.

Pati weekend gross nila ay wala rin silang inilabas kung magkano ang kinita.

Sayang dahil mukhang wala pa yatang balak ang ABS-CBN na bigyan uli ang tambalang JoshLia ng kasunod na project

Parang na-block na rin yata ang love team nila. Na-Z, as in zero na?

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakaapekto ba sa box office ng Block Z ang pagiging malamig ng dating magkasintahang Joshua Garcia at Julia Barretto? O ang takot ng publiko sa coronavirus?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results