Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Gandang Gabi Vice, titigbakin na at papalitan ng bagong show ni Vice Ganda rin?

by PEP Troika
Feb 3, 2020
Bagong show ni Vice Ganda (left) na tatapat sa The Boobay and Tekla Show (right), nakatakdang umere bandang last week of February, ayon sa source ng PEP Troika.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin / GMA-7

GORGY RULA

Wala pang kinukumpirma ang ABS-CBN, pero siniguro ng source ng PEP Troika na malapit nang matapos ang weekly show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice (GGV).

Ayon sa aming nasagap, bandang last week of February ay papalitan na raw ito ng bagong programa na ang pamagat ay Everybody Sing.

Si Vice Ganda pa rin ang host ng programa.

Hindi pa rin kasi nag-improve ang rating ng GGV, na ayon sa NUTAM People’s Ratings ng Nielsen Philippines, naka-4.6% lang ito noong Linggo, February 2.

Ang katapat na programa nitong The Boobay and Tekla Show ay nagtala ng 5.1%.

Samantala, namamayagpag pa rin ang weekend ratings ng ilang Kapuso shows.

Noong Sabado, February 1, mataas ang karamihang programa ng Kapuso network.

Naka-7.4% ang 24 Oras, 5% ang Kuha Mo, at 6.7% ang TV Patrol.

Nakakuha ng 11.8% ang Pepito Manaloto, at 7.7% ang Home Sweetie Home.

Ang penultimate episode ng Your Moment ay nakakuha ng 10.2%, pero nataasan pa rin ito ng katapat na Daddy’s Gurl na may 10.9%.

Continue reading below ↓

Mataas din ang Magpakailanman na 11.6% vs. 10.8% ng Maalaala Mo Kaya.

Noong Linggo, February 2 ay magkadikit uli ang All-Out Sundays na 4.8% at ang ASAP Natin ‘To na naka-4.7%.

Ganoon din ang Dear Uge na may 4.5%, at Banana Sundae na may 4.6%.

Ang GMA Blockbuster ay may 4.5% laban sa FPJ On ABS-CBN na may 6.9%.

Pagdating sa prime-time shows, 6.5% ang 24 Oras, at 7.1% ang TV Patrol, at 9.4% ang Rated K.

Finale night na iyon ng Your Moment kaya mataas ang rating nito na naka-11.9%, laban sa Amazing Earth na may 10.4% at Daig Kayo ng Lola Ko na may 11.7%.

Consistent pa ring mataas ang Kapuso Mo Jessica Soho na may 18%, laban sa The Haunted na may at 6.4% at Kapamilya Super Blockbusters na may 5%.

JERRY OLEA:

Tweet ni Vice Ganda nitong Pebrero 3, Lunes:

"Sa gitna ng mga nangyayaring di maganda sa mundo marami pa rin talagang gumagawa ng di maganda.

Continue reading below ↓

"Tulad na lang ng mga gumagawa ng mali at mapanirang balita. Sa showbiz man o sa pangkalahatan. Walang time out time out man lang!

"Nasan na kaya ang mga puso ng mga taong ito?"

Patungkol kaya iyon sa tsikang matitigbak na ang show niyang GGV?

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, noong Pebrero 3, Linggo, ay naka-7.6% ang Gandang Gabi, Vice, kontra sa The Boobay and Tekla Show na nakakuha ng 6.7%.

Wagi pa rin sa Kantar Media ang karamihang programa ng Kapamilya Network last weekend, pero may mga palabas ang GMA-7 na umarangkada.

Noong Enero 2, Sabado, naka-22% ang Your Moment, kontra sa 18.5% ng Daddy’s Gurl.

Naka-20.8% ang Maalaala Mo Kaya episode nina Markus Paterson at Teresa Loyzaga, kumpara sa 19.5% ng Magpakailanman episode nina Edgar Allan Guzman at Shaira Diaz.

Naka-17.8% lamang ang Home Sweetie Home Extra Sweet, kumpara sa 20.2% ng Pepito Manaloto Ang Tunay na Kuwento.

Continue reading below ↓

Naka-14.4% ang It’s Showtime, kontra sa 13.9% ng Eat Bulaga at 14.8% ng Prima Donnas.

Opo! Wagi sa ratings ang buena manong episode ng Prima Donnas sa araw ng Sabado!

Noong Pebrero 3, Linggo, naka-14.2% lamang ang The Haunted at 8.4% ang Kapamilya Super Blockbusters kumpara sa 29.4% ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Naka-29.5% ang finale ng Your Moment, kumpara sa 21.6% ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Naka-10.6% ang ASAP Natin ‘To, kumpara sa 8.6% ng All-Out Sundays.

Naka-10.5% ang Banana Sundae, kumpara sa 8.4% ng Dear Uge.

NOEL FERRER

Okay pa ang Sabado, pero kapag Sunday evening, kulang na kulang ang choices ng magagandang panoorin para sa buong pamilya, ha?!

Tulad ng lagi kong sinasabi, para sa akin, it’s not the numbers, but the quality and the significance of the content that you are making available on TV.

Sana, mas gandahan pa!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagong show ni Vice Ganda (left) na tatapat sa The Boobay and Tekla Show (right), nakatakdang umere bandang last week of February, ayon sa source ng PEP Troika.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results