Magpakailanman nina Maine Mendoza at Ruru Madrid, kabugin kaya ang MMK ni Louise Abuel?

by PEP Troika
Feb 4, 2020
Maine Mendoza at Ruru Madrid (kaliwa), magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon sa February 8 episode ng Magpakailanman. Dating child star na si Louise Abuel (kanan), pagbibidahan ang isang madamdaming episode sa MMK.
PHOTO/S: MMK / Magpakailanman Facebook

JERRY OLEA

Sa unang pagkakataon, bida si Maine Mendoza sa Magpakailanman sa Pebrero 8, Sabado ng gabi, sa GMA-7.

Bale Valentine presentation ito ng programa, at katambal dito ni Maine si Ruru Madrid.

Anong level kaya ng kilig ang ihahatid ng RuMaine tandem sa MELlennials?

Samantala, makabagbag-damdamin ang pagganap ni Louise Abuel bilang isang person with disability sa episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) sa Sabado rin ng gabi, pagkatapos ng The Voice Teens sa ABS-CBN.

Ang hanash: "Paano ka huhugot ng lakas sa likod ng iyong kapansanan, kung pakiramdam mo'y ikaw mismo ang pabigat?"

NOEL FERRER

I have always liked Ruru Madrid.

Kasi, maliban sa may karakter at may dating, isa rin siyang mahusay na aktor.

Sana nga ay magkaroon pa siya ng projects that would prove his bankability as an actor, dahil ang ka-partner niyang si Maine Mendoza ay may film persona.

At aminin naman natin, tinatangkilik at may box-office hit ang dalaga.

Continue reading below ↓

Kaya naman excited ako sa Magpakailanman episode nina Ruru at Maine.

Tingnan natin kung paano ito tatanggapin ng tao, kasabay ang episode ng may kapansanang si Louise Abuel sa MMK.

GORGY RULA

Parang madrama itong Magpakailanman episode na tatampukan nina Maine Mendoza at Ruru Madrid.

Sa title pa lang na "Kasal sa Funeral," tampok ang kuwento nina Jeanette at Tats, tila isa sa kanila ang mamamatay sa kuwentong ito.

Kaya two weeks ago pa lang ay todo na ang promote ng fans ni Maine sa episode na ito.

Ilang Sabado na ring tinatalo ng Magpakailanman ang Maalaala Mo Kaya, ayon sa survey ng AGB NUTAM.

Kaya mukhang ramdam ko nang muling aariba sila rito sa episode ni Maine, lalo na’t matagal ding hindi siya napapanood na nagdadrama.

Curious din ang karamihan kung may chemistry ba sila ni Ruru Madrid. Malay natin, di ba?

Samantala, malakas ang dating nitong bagets actor na si Louise Abuel. Magaling pang umarte.

Continue reading below ↓

Kaya kung maganda ang material nito, posible rin siyang umabante.

Pero mas malakas pa rin ang feeling kong lalamang ang episode nina Maine at Ruru. Abangan na lang natin.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza at Ruru Madrid (kaliwa), magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon sa February 8 episode ng Magpakailanman. Dating child star na si Louise Abuel (kanan), pagbibidahan ang isang madamdaming episode sa MMK.
PHOTO/S: MMK / Magpakailanman Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results