Sanya Lopez, limang beses naliligo kada araw sa sobrang kapraningan sa coronavirus

by PEP Troika
Feb 4, 2020
Kapuso actress Sanya Lopez, mahigpit ang bantay sa mall shows upang makaiwas sa coronavirus.
PHOTO/S: Gorgy Rula / @sanyalopez Instagram

GORGY RULA

Dahil lalong tumitindi ang takot ng lahat sa 2019 novel coronavirus (2019 nCoV), mas nag-iingat ang mga tao lalo na sa mga matataong lugar.

Pati mga artistang laging dinadala sa mall shows ay mas dobleng ingat na rin sa pagharap sa fans na nanoood sa kanila.

Kuwento ni Sanya Lopez, na gustung-gusto ring mag-mall show, talagang binabantayan sila ng handlers at guards na huwag gaanong maglalalapit sa crowd na nanood sa kanila.

Aniya, "Pag nagmu-mall show po ako ngayon… before po kasi, pinapayagan pa kaming bumaba.

"Pero ngayon, kahit anong pilit ko, ayaw po talaga kaming payagan.

"Pero yung pinupuntahan na rin kasi namin, naka-mask na rin lahat.

"Siyempre, yung mga hawak-hawak sa kamay… pero humahawak pa rin ako minsan, hindi po talaga maiwasan.

"Pero kailangan po talagang maghugas ng kamay at mag-alcohol."

Kailangan lang daw talagang mag-ingat sa sarili.

Pagkauwi raw niya galing sa trabaho, talagang naliligo siya.

Continue reading below ↓

Sa sobrang kapraningan niya sa epidemyang ito, mga limang beses daw naliligo si Sanya sa loob ng isang araw.

"Nakakapraning naman po talaga. Lalo na po ngayon, because of social media," pakli ng Kapuso actress.

"Pero importante po talaga na alagaan po natin ang sarili natin. Iba pa rin po talaga ang nag-iingat, e."

Nakausap namin si Sanya nitong February 3, Lunes ng gabi, sa story conference ng bagong TV program niyang Agimat ng Agila, kung saan makakasama niya si Senator Bong Revilla.

Excited si Sanya sa project na ito dahil bago ito sa kanya at gusto niya talagang mag-action.

"Iba po ito sa akin, e. Lalo na po kasama ko rito si Senator Bong Revilla, na hindi ko po akalain, makakasama ko po pala siya," napapangiting pahayag ni Sanya.

NOEL FERRER

Dati ko pang sinasabi na marunong umarte si Sanya.

Pero like a lot of GMA stars, there are TV stars and there are movie stars.

Continue reading below ↓

Marami ang tumatawid pa sa Star Cinema para mapatunayang may paying fans sila, yung gagastos talaga para panoorin sila.

Sayang lang at hindi pinalad ang launching film ni Sanya na Wild And Free.

Pero markado kahit maikli ang papel niya sa pelikulang Isa Pang Bahaghari bilang bunsong anak nina Nora Aunor at Phillip Salvador.

Sa TV, nagre-rate naman ang shows ni Sanya.

Let us see kung paano maitaas ang stock ni Sanya sa TV ratings, para next time niyang sumubok magpelikula ay bibilhin na siya ng masa.

Good luck, Sanya!

At bawal magkasakit, ha!

JERRY OLEA

Kahit sa mga pagtitipon sa showbiz, iniiwasan ng iba ang beso-beso o pagdadampi ng mga pisngi, maging ang paghahawakan ng mga kamay.

Kaway-kaway na lang! Smile-smile!

Nagkakaintindihan naman. Mas mabuting nag-iingat.

Naiintindihan siguro iyon ng fans ng mga artista, kung “no touch” muna sila sa kanilang mga idolo na nagmo-mall show.

Itong takot sa novel coronavirus 2019 ay idinadahilan ng iba kaya kumonti ang nagmo-mall at nanonood ng sine, lokal man o banyaga.

Continue reading below ↓

Mas minamabuti raw ng mga tao na manood na lang ng TV.

Sa Netflix pa lang, ang dami nang bagong release na pelikula at serye.

Nakapag-binge watch nga ako ng Ragnarok, Chilling Adventures of Sabrina (Part 3), Messiah, AJ and The Queen, The Stranger, Dracula, Grace and Frankie (Season 6), The Ghost Bride, October Faction, among others.

Nasimulan ko na rin ang Luna Nera at Diablero (Season 2).

Siyempre, abang-abang ako sa pelikulang To All The Boys: PS I Still Love You nina Lana Condor at Noah Centineo na ii-stream umpisa Pebrero 12, swak sa Valentine’s Day!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Sanya Lopez, mahigpit ang bantay sa mall shows upang makaiwas sa coronavirus.
PHOTO/S: Gorgy Rula / @sanyalopez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results