Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Marco Gumabao at Tony Labrusca, nagpatalbugan sa love scenes nila kay Lovi Poe

by PEP Troika
Feb 4, 2020
Lovi Poe on leading men Marco Gumabao and Tony Labrusca: “They bared their souls, more than their bodies!”
PHOTO/S: Jerry Olea / Viva Films

JERRY OLEA

Tongue-to-tongue ang kissing scenes ni Lovi Poe with Marco Gumabao and Tony Labrusca sa Viva movie na Hindi Tayo Pwede, sa direksyon ni Joel Lamangan.

“Sexy silang lahat. Sexy iyong dalawang lalaki. Sexy rin si Lovi. Abangan nila yung love scenes!” bulalas ni Direk Joel nang makausap ko sa surprise birthday party ni Lovi nitong Pebrero 3, Lunes ng gabi, sa The Frazzled Cook, Sct. Gandia St., Quezon City.

Nagpasilip ng konting pubic hair si Marco!

Dagdag ni Direk Joel, “Dila sa dila ang halikan nina Lovi at Tony, ganoon din sina Lovi at Marco.

"Ayaw magpatalo nina Marco at Tony sa isa’t isa. Ang galing-galing nila sa love scenes.

"Magaling si Lovi rito. Magaling siya!”

Kabilang pa sa mga um-attend sa surprise birthday party kay Lovi sina Senador Grace Poe, Snooky Serna, Dina Bonnevie, Benjamin Alves, Direk Jay Altarejos, Ricky Lee, Albie Casiño, Bernard Cloma, Shirley Kuan, Manny Valera, Mario Colmenares, Tony Labrusca, at ang manager ng aktres na si Leo Dominguez.

Continue reading below ↓

Nakausap ko sandali si Tony.

Sinabi ko sa kanya ang pahayag ni Direk Joel na kesyo kabugan sila ni Marco sa pakikipaghalikan kay Lovi.

Napangiti si Tony, “Ahhm, well... hindi ko kasi nakita iyong sex scene nila.

"Alam kong nauna na na-film iyong sex scene nila.

“Pero for me naman kasi, I just listen to what Direk wanted.

"So, hindi naman ako iyong nag-initiate na, ‘Direk, kailangan may dila ako. Kailangan, ganito-ganyan.’

“It was really Direk Joel’s creative direction.”

Kumusta si Lovi sa intimate scenes nila?

“Lovi knows exactly what she’s doing. She’s been in this industry for so long,” mabilis na tugon ni Tony.

“So, if anything, I had something to learn from her.”

GORGY RULA

Sabi ni Lovi, ngayon pa lang niya ginawa itong mga ipinagawa sa kanya ni Direk Joel.

Parang hindi ko naman nararamdamang promong-promo ang pagkasabi niyang kakaiba ito sa mga nagawa niyang pelikula.

Ang pagkakaalam ko, next month na ito ipalalabas, at wish ni Lovi na sana panoorin ito dahil hindi siya kumontra sa mga utos ni Direk Joel.

Continue reading below ↓

Lahat, ginawa niya.

JERRY OLEA

Proud si Lovi sa movie niya with Marco and Tony na Hindi Tayo Pwede.

“It’s beautiful!” nakangiting bulalas ni Lovi.

“I love our movie. Ahhm, napakaganda ng pelikula. Kasi, during dubbing, umiiyak na ako at iyong assistant ko sa loob ng studio.”

Kumusta sina Marco at Tony?

“Ang galing nila. Ang sarap nilang kaeksena,” mabilis na sagot ni Lovi.

Mas mapangahas daw si Marco?

“Magkaiba kasi,” sansala ni Lovi.

“I guess, I was talking about how every love is true, but when you love someone, the level is different.

"You’ll see po, pag napanood ninyo."

Pahiwatig ni Direk Joel, mas daring si Marco.

Mahiwaga ang ngiti ni Lovi, “Magkaiba sila, e.

"Well... let’s just say, si Direk, may ibinulong kay Marco na gawin.

"And nagulat ako!!! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!"

Nag-blocking sila. During the take, biglang may “move” si Marco na ikina-shock ni Lovi.

Continue reading below ↓

“Hindi ko ine-expect. Pero OK lang naman. It’s not...

"I mean, it’s still done tastefully. And professional level naman," paglilinaw ni Lovi.

E, si Tony?

“Si Tony, he was really good, too. I mean, like... all I can say is I’m just so happy to be able to work with both of them.

“Because we see Tony and Marco as two of the hottest men in the country, but it’s not about that, e.

“Iyong emotion na ibinigay nila sa pelikulang ito, iyong soul na ibinigay nila sa story, hindi mo mapapantayan.

“Gaano man sila ka-hot, mas malayo pa roon iyong emotion na ibinigay nila.

“They bared their souls, more than their bodies!”

NOEL FERRER

Nakaka-excite ang movies ni Lovi dahil meron siyang isa with Dreamscape with Zanjoe Marudo shot in Italy, at heto nga sa Viva with Marco Gumabao and Tony Labrusca by Joel Lamangan and written by Ricky Lee.

Continue reading below ↓

Nag-signify pa ng intention si Lovi na sumama sa scriptwriting class ni Sir Ricky, pero hindi na siya nakahabol sa bagong batch na magsisimula na sa Linggo.

Happy 29th birthday, Lovi! May you always explore and develop your artistry!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovi Poe on leading men Marco Gumabao and Tony Labrusca: “They bared their souls, more than their bodies!”
PHOTO/S: Jerry Olea / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results