Sikat na TV host, hinarang ang guesting ng gandarang sireyna dahil sa dyowang hunk

by PEP Troika
Feb 5, 2020
Sikat na TV host, hindi pinaporma sa kanyang programa ang gandarang sireyna dahil sa dyowang hunk.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Nagalit ang buwan nang magmaganda ang sikat na TV host sa gandarang sireyna.

Ang tsika, panauhin dapat ang sireyna sa TV show na hino-host ng sikat na TV host.

Sa hindi maliwanag na kadahilanan, hinarang ng fortysomething TV host ang guesting ng sireyna na twentysomething ang edad.

Kung ganda ang timbangan, walang dapat ika-insecure ang TV host, na hindi basta-basta makakabog sa kanyang luklukan.

Luka-lukahan lang sana ang talastasan ng dalawang kagandahan, pero lumutang na they have something... este, someone in common.

Ang twentysomething pogilicious hunk na nagpapaligaya sa sikat na TV host, minsan isang panahon ay nakasalo ng sireyna sa isang mahiwagang tagpuan.

Hindi na mauulit ang muli sa pagitan nina sireyna at pogilicious hunk.

Pero bago pa man may maganap, waring babala sa TV host ang 1984 Danny Zialcita film—starring Dante Rivero, Gloria Diaz, Alona Alegre, Liza Lorena, Eddie Garcia and Janice de Belen—Hawakan Mo at Pigilan ang Kahapon!

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Sa estado sa buhay at sa career ng TV host, hindi na dapat niya maramdaman ang ganoong tunggali sa sireyna over the supposed boyfriend.

Hindi pa ba selyado ang kanilang relasyon at may ganoon pa ring pang-iipit sa iba?

A truly happy and content person kasi will always make other people happy and shine, too, di ba?

GORGY RULA

Sa totoo lang, tanggapin na nating di hamak na sariwa at mas kaakit-akit ang katawang lupa ng sireyna kesa sa sikat na fortysomething TV host.

Kaya ang duda ng iilan, baka insekyurada lang ito.

Wala naman daw something sa dyowa-dyowaan.

Kaya ang ending, sa FB live na lang daw ng naturang show pinag-guest ang mas marilag na sireyna.

Di naman daw niya nahalatang naharang ang guesting niya?!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sikat na TV host, hindi pinaporma sa kanyang programa ang gandarang sireyna dahil sa dyowang hunk.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results