Fr. Fernando Suarez, may natapos na biopic bago pumanaw

by PEP Troika
Feb 5, 2020
Bago pumanaw ang healing priest na si Fr. Fernando Suarez (kaliwa) ay natapos nang kunan ang mga eksena niya sa kanyang biopic na Suarez, The Healing Priest. Mula sa direksiyon ni Joven Tan, kasama sa cast ng pelikula sina John Arcilla, Alice Dixson, Biboy Ramirez, at Marlo Mortel (kanan).
PHOTO/S: Joven Tan Facebook

NOEL FERRER

Habang nasa wake ako ng malapit ng kaibigan ng pamilya naming si Tito Andrew Francisco, dagsa ang mga tao mula sa iba’t ibang sektor sa kabilang wing ng Heritage Memorial Chapel.

Doon ko nakita sina Rita Avila at Direk Joven Tan.

Nandoon sila para sa burol ng healing priest na si Fr. Fernando Suarez, na pumanaw nitong Enero 4, Martes, dahil sa massive heart attack habang siya ay nagte-tennis.

Nalaman ko kay Direk Joven na natapos ni Fr. Suarez ang mga eksena sa kanyang biopic, na ang working title ay Suarez, The Healing Priest.

Namatay siya after niyang ma-preview ang kinalabasan ng shoot niya.

Matatandaang naging controversial si Fr. Suarez dahil sa mga kasong kinaharap niya, na pinawalang-bisa ng Vatican.

Parang hinintay lang niyang maabsuwelto siya at matapos ang mga eksena niya sa pelikula, saka siya yumao.

Hindi na niya hinintay ang kanyang ika-53 kaarawan sa Pebrero 7, Biyernes.

Continue reading below ↓

Hindi pa alam kung kailan ipalalabas ang pelikula, pero they’re down to their last two shooting days.

Nakagawa pa si Fr. Suarez ng digital healing segment na nakapaloob sa pelikula, ngunit sobrang nag-iingat si Direk Joven at ang producer ng pelikula para bigyang-galang pa rin ang gunita ng yumaong healing priest.

JERRY OLEA

Kabilang sa cast ng pelikulang Suarez, The Healing Priest sina Jin Macapagal, Marlo Mortel, John Arcilla, Alice Dixson, Gina Pareño, Rita Avila, Dante Rivero, Troy Montero, Allan Paule, Richard Quan, Zeus Collins, Joonee Gamboa, Noel Trinidad, Rosanna Roces, Andrea del Rosario, at Charles Kieron.

“True-to-life story ito ni Father Suarez, kung paano nagsimula ang healing ministry niya.

"Paano niya hinarap ang mga akusasyon sa kanya, hanggang sa paglilinis niya ng name niya,” sabi ni Direk Joven Tan nang makatsika namin via Messenger nitong Wednesday night.

GORGY RULA

Ayoko na munang magbigay ng komento kaugnay sa biopic ni Fr. Suarez. Hindi pa tamang panahon.

Continue reading below ↓

Huwag na lang sanang magamit ang pagpanaw ng healing priest sa promo ng naturang pelikula.

Samantala, hindi ko pa naranasan ang healing ni Fr. Suarez. Pero marami ang naniniwala sa kanya.

Si Ai-Ai delas Alas ang alam kong malapit sa kanya noon.

Wala pa akong nakikitang post ang Kapuso Comedy Queen tungkol sa pagpanaw ni Fr. Suarez.

Maaring ginamit si Fr. Suarez ng Panginoon para magpagaling. Pero mas buo ang paniniwala kong ang Diyos ang tanging magpapagaling sa ating lahat.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bago pumanaw ang healing priest na si Fr. Fernando Suarez (kaliwa) ay natapos nang kunan ang mga eksena niya sa kanyang biopic na Suarez, The Healing Priest. Mula sa direksiyon ni Joven Tan, kasama sa cast ng pelikula sina John Arcilla, Alice Dixson, Biboy Ramirez, at Marlo Mortel (kanan).
PHOTO/S: Joven Tan Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results