Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Judy Ann Santos, Bea Alonzo, Maja Salvador bibigyang-pugay sa 4th Film Ambassadors’ Night

by PEP Troika
Feb 6, 2020
Kabilang ang Kapamilya stars na sina (mula kaliwa) Judy Ann Santos, Bea Alonzo, at Maja Salvador sa bibigyan ng parangal sa 4th Film Ambassadors' Night na inorganisa ng Film Development Council of the Philippines.
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Pagpupugayan sina Judy Ann Santos, Bea Alonzo, at Maja Salvador sa 4th Film Ambassadors’ Night (FAN) sa Pebrero 9, Linggo ng gabi, sa Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig City.

Taunang pasiklab ito ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), na pinamumunuan ni Chairman and CEO Liza Diño-Seguerra, kung saan kinikilala ang Pinoy film industry artists, filmmakers, films at maging mga taga-TV na nagwagi sa mga international festival sa ibang bansa.

Best Actress si Judy Ann Santos sa 41st Cairo International Film Festival (Egypt) para sa Mindanao.

Kasali si Bea Alonzo sa Asian Stars Up Next Award sa 4th International Film Festival & Awards-Macao (China).

Best Actress si Maja Salvador sa Asian Content Awards (Busan, South Korea) para sa Kapamilya teleseryeng Wildflower.

Kabilang din ang mga namayapang aktor na sina Eddie Garcia, Tony Mabesa, at Kristofer King sa honorees ng FAN 2020.

Nagkamit ng Best Actor Award sina Eddie Garcia at Tony Mabesa sa 52nd Worldfest Houston International Film Festival (Houston, Texas, USA) para sa pelikulang Rainbow’s Sunset.

Continue reading below ↓

Best Ensemble Acting sina Eddie Garcia, Tony Mabesa, Gloria Romero, Aiko Melendez, Tirso Cruz III, Shido Roxas, Albie Casiño, at Ross Pesigan sa International Film Festival Manhattan 2019 (Manhattan, New York, USA) para pa rin sa Rainbow’s Sunset.

Sa filmfest na ito ay wagi rin si Gloria Romero bilang best actress.

Best Male Actor si Kristofer King sa ASEAN International Film Festival and Awards 2019 (Kuching, Sarawak, Malaysia) para sa Kristo, at Best Performance sa Silver Screen Awards ng 30th Singapore International Film Festival (Singapore) para sa Verdict.

Honorees din sa FAN 2020 sina Ogie Alcasid, Ina Raymundo, Ai-Ai delas Alas, Maxine Eigenmann, Dante Rivero, Barbara Miguel, Soliman Cruz, Angeli Bayani, Cesar Montano, Direk Joel Lamangan, Direk Jun Robles Lana, Atty. Joji Alonso, Direk Louie Ignacio, Direk Raymund Ribay Gutierrez, at marami pang iba.

Pito ang categories ng FAN 2020 honorees—short films, TV awards, technical & creative awards, actors, full-length films, special citations, at A-Listers.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Noong January pa lang, nag-ocular na at talagang pinaghandaan ito ng grupo nina Aiza Seguerra.

Balita ko ay may gagawaran ding Maestro sa pelikula, kaya kaabang-abang ang gagawing tribute para rito.

Segue-segue ang mangyayaring events sa Linggo!

Congratulations sa mga patuloy na nagtataguyod ng ating industriya, na kailangang-kailangan ng suporta!

GORGY RULA

Patuloy na nagbibigay-pugay ang FDCP sa Pinoy artists na nagkamit ng karangalan sa ibang bansa.

Na-appreciate naman kaya sila ng mga kababayan natin?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang Kapamilya stars na sina (mula kaliwa) Judy Ann Santos, Bea Alonzo, at Maja Salvador sa bibigyan ng parangal sa 4th Film Ambassadors' Night na inorganisa ng Film Development Council of the Philippines.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results