Alden Richards, may patikim sa kanyang yummy abs

by PEP Troika
Feb 6, 2020
Pambansang Bae Alden Richards, aminadong nagpa-yummy for a bigger and bolder 2020!
PHOTO/S: Noel Orsal / Alden Richards Facebook

GORGY RULA

Pinakiusapan ang press sa mediacon ng bagong programang Centerstage na huwag munang pag-usapan ang magandang katawan ni Alden Richards.

Sa April pa kasi ang launching ng Kapuso actor sa Superbods, kaya mas mabuting dito muna raw sa bagong musical competition ng Kapuso network mag-focus, dahil sa February 16 na ito magsisimula.

Pero nakasingit pa rin ng tanong ang PEP Troika kung anong paghahanda ang ginawa ni Alden para ma-achieve ang maganda nitong katawan.

Tantiya kasi ni Alden, 25 to 30 pounds ang nawala sa kanya, pagkatapos mag-diet at mag-ensayo ng tatlo hanggang apat na buwan.

"Tinago ko po kasi siya, e. Hindi ko po pinakita na nagpi-prepare ako.

"Minsan lang ako nag-post pero dumbbell-dumbbell lang. Pero hindi po talaga ako nagpakita.

"Surprise po talaga yun for 2020.

"I owe it to myself po talaga, e.

"Ilang taon ko na pong sinasabi na gusto ko magka-abs, pero hao-siao lang, puro drawing lang.

Continue reading below ↓

"So, eto po talaga, pinilit kong gawin, pinilit kong magkaroon. Work, effort, at saka dedication," saad ng Asia’s Multimedia Star.

Sa April pa raw ang big reveal, sabi niya, kaya doon na raw kami magpa-picture sa abs niya.

NOEL FERRER

Mas maganda na ngang pag usapan yun now—para isang mas desirable na Alden sa mga babae at beks ang mapapanood natin sa mga susunod niyang shows.

I am sure, come April, Alden will still and always be relevant.

Kaya game, go Centerstage Alden, and flaunt what is there to be proud of!

JERRY OLEA

Talap-talap ang pa-abs ni Alden, lalo na ang kanyang pa-Felix Bakat sa jogging pants.

Nabulabog ang mga bekizen! Tilam-tilam!

Siyanga pala, ngayong Huwebes ang ika-238 weeksary ng AlDub.

Ewan kung hopia, asado, o expectorant pa rin ang ADN (AlDub Nation) na magkakatambal silang muli ni Maine Mendoza.

Magtatapos na ang The Gift, hindi talaga isinahog dito si Maine.

Continue reading below ↓

Sa Sabado night, February 8, si Ruru Madrid naman ang katambal ni Maine sa Magpakailanman.

Istorya iyon ng dalawang tao na kapwa bigo sa pag-ibig. Inakala nilang namatay na ang puso nila para umibig muli.

Sa tamang panahon, natagpuan nila ang isa’t isa at binuhay muli ang mga inilibing nang puso sa gitna ng formalin at punerarya!

GORGY RULA

Katatapos lang ng taping ni Alden sa The Gift, at ngayon ay naka-focus muna siya rito sa Centerstage, dahil kakaiba ang konsepto ng singing competition na ito na ngayon pa lang mapapanood sa TV.

"I'm very proud of this show kasi it's an original concept of GMA. So, talagang pinag-isipan ito nang masinsinan para mabigyan po ng bagong flavor yung singing contest.

"Now po, iyung unang roster po ng constestants na ipapakita natin is for the kids. Pero not necessary po na we’re limiting the contestants sa mga bata," pakli ni Alden.

Continue reading below ↓

Mapapanood ito pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko, at mga batang edad mula 7 hanggang 12 taong gulang ang maglalaban.

Ang best friend niyang si Betong Sumaya ang co-host dito ni Alden, at ang mga uupong judges ay sina Pops Fernandez, Mel Villena, at Aicelle Santos.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pambansang Bae Alden Richards, aminadong nagpa-yummy for a bigger and bolder 2020!
PHOTO/S: Noel Orsal / Alden Richards Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results