Stage actors Arman Ferrer at David Ezra, minaliit; Audie Gemora, nag-apologize

by PEP Troika
Feb 6, 2020
Manager ni Arman Ferrer (left) at ina ni David Ezra (right), sumiklab ang inis sa pandadawit umano ni Audie Gemora sa dalawang theater actors sa ngalan ng promo. Audie, humingi ng dispensa sa "insensitive" remarks patungkol kina Arman at David.
PHOTO/S: @armanfferrer / @davidezra_c Instagram

NOEL FERRER

I’ll just put it here as the manager and relative of Arman Ferrer, bilang tugon sa isang article na naka-direct quote ang sinusuportahan nating PhilStage President na si Audie Gemora.

Sa isang promo article for Joseph The Dreamer, na-quote si Audie na nandamay ng dalawang nananahimik na performers—sina Arman Ferrer at David Ezra.

Sukat ba namang sabihin ni Audie: "You have to act, sing and dance. David Ezra and Arman Ferrer can sing the hell out of any song. They can’t dance to save their lives."

Gayong walang kinalaman sina Arman at David sa proyekto, na ang bida ay si Sam Concepcion.

Si Sam ay kabilang sa Stages talent management, na ang president ay si Audie. President at artistic director din si Audie ng Trumpets na magproprodyus ng Joseph The Dreamer.

Kailangan bang mandamay ng PhilStage president ng ibang performers para mag-promote ng kanyang alaga at mga kasama sa produksiyon?

Continue reading below ↓

Oh well, I was just thinking na sana na-misquote lang si Audie sa lumabas na article.

O baka proud lang siya talaga kay Sam, and finally they need this play to be such a great hit.

Either way, he didn't have to do that at the expense of other members of our industry, na ginagamit din nila sa ibang programa na kanilang pinagtatrabahuhan.

As they say, "We rise by lifting others."

JERRY OLEA

Bilang ina at manager ni David Ezra, naghumiyaw si Dulce sa Facebook nitong Pebrero 6, Huwebes ng gabi.

Hindi nito nagustuhan ang patutsada ni Audie.

Pahayag ni Dulce (published as is, except for expletives in brackets):

“GRABE SYA UOOHHH PAPANGALANAN TALAGA YUNG ANAK KO??? At si Arman Ferrer???

"NANANADYA KA BA??? [L****] KA!!!!! PLASTIC OROCAN!!!!!

"DI BA TAGA SOLAIRE KA??? HINDI KA NANOOD NG ‘BINONDO - A TSINOY MUSICAL’??? AT NG ‘SIDESHOW’ NG ATLANTIS???

"['T***] KA HA, ALAM KO NANANADYA KA NA!!!

Continue reading below ↓

"ALAM KO SA AKIN KA BWISIT, HUWAG MO IDAMAY ANAK KO [U***]!!! ”

Makakatulong kaya sa promo ng Joseph The Dreamer ang ganitong isyu?

Nalinawan na siguro si Audie Gemora sa nasabi niya dahil habang isinusulat ito ay nag-post na siya ng apology.

Narito ang screenshot ng Facebook post ni Audie:


Continue reading below ↓

Ang hirap talagang mag-promo ngayong panahon ng corona.

GORGY RULA

Parang ang cheap na may ganito ring showbiz na intriga ang mundo ng teatro.

Naaliw lang ako kay Ms. Dulce, na parang si Lotlot de Leon, na maaaring mawala ang poise at patola para ipaglaban ang kani-kanyang anak.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manager ni Arman Ferrer (left) at ina ni David Ezra (right), sumiklab ang inis sa pandadawit umano ni Audie Gemora sa dalawang theater actors sa ngalan ng promo. Audie, humingi ng dispensa sa "insensitive" remarks patungkol kina Arman at David.
PHOTO/S: @armanfferrer / @davidezra_c Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results