Senator Grace Poe, ilang Kapuso stars suportado ang franchise renewal ng ABS-CBN

by PEP Troika
Feb 8, 2020
Senator Grace Poe (left, with sister Lovi Poe and son Brian Llamanzares) on ABS-CBN franchise renewal: “Walang perpekto. May mga pagkakamali. Lahat naman iyan ay tinitimbang at mabibigyan ng pagkakataong iprisinta nila ang kanilang magiging plano kapag sila ay mabigyan ng dalawampu’t limang taon pa."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Halos lahat ng may kaugnayan sa showbiz, television, broadcasting, at kahit sa pulitika ay hininihingan ng opinyon sa nalalapit na pag-e-eexpire ng franchise ng ABS-CBN.

Sa birthday surprise kay Lovi Poe na dinaluhan ni Senator Grace Poe sa The Frazzled Cook restaurant nitong Pebrero 3, Lunes, hiningan ang senador ng pahayag kaugnay sa hindi pa pagkaka-renew ng franchise ng Kapamilya network.

Hindi pa rin sinisimulan ang pag-uusap sa Kongreso tungkol dito, kaya naghihintay lang ang Senado kung ano ang mapagpasyahan ng Lower House.

Sabi ni Senator Poe, magsasalita siya sa isyung ito para sa Senado.

Aniya, “Marami akong nakausap na kasama natin, suportado naman nila.

"Pero siyempre, isipin din mabuti ang magiging kasunduan sa franchise.

“Pero sa Senado, kahit apruban man natin iyan, kapag ito ay hindi gumagalaw sa Kongreso, wala ring mangyayari.

“Pero sa akin naman, maraming nabibigyan ng trabaho. Napatunayan naman na nakapagserbisyo sila.”

Sa tono ng mga pahayag ng senador, tila umaayon siya sa renewal ng prangkisa ng Kapamilya network.

Continue reading below ↓

“Walang perpekto. May mga pagkakamali.

"Lahat naman iyan ay tinitimbang at mabibigyan ng pagkakataong iprisinta nila ang kanilang magiging plano kapag sila ay mabigyan ng dalawampu’t limang taon pa.

“May mga kapatid natin, mga kaibigan natin sa GMA na nakausap ko. Sila ay supportive din.

"Kasi sa industriya, di ba, ayaw mo naman na hindi sila mabigyan ng pagkakataon, di ba?"

Pero paano kung wala pang sinisimulan ang Kongreso? Ano kaya ang puwedeng gawin ng nasa Senado?

“Dapat talaga, nag-uumpisa sa House,” pakli ng senadora.

“But for example, this is the budget deliberation… that there is a hearing simultaneously, or the Senate can take the initiative to start the hearing just to get the ball rolling.

“So, in this case… magma-March na, e.

“So, mukhang sa tingin ko, may obligasyon din kami… at least umpisahan na.”

Sa March 30, 2020 na mag-e-expire ang franchise to broadcast ng ABS-CBN. Kakayanin ba hanggang sa expiration nito sa Marso?

Continue reading below ↓

Tugon ni Senator Poe, “Sa Senado, mabilis din kami mag-hearing, lalo na kung nakahanda na ang mga tanong.

“Kung nag-expire na ang prangkisa at hindi pa tapos ang franchise deliberation, ang option ng anumang prangkisa na nasuspindi muna ay humingi ng provisional permit to operate mula sa NTC.

“So, ang tanong, bibigyan ba sila ni Mr. Cordoba ng NTC ng permit to operate temporarily, provisional?

“Yun ang ginagawa ng marami na nag-expire na pero hindi pa tapos ang prangkisa—provisional permit to operate.”

Si Gamaliel Cordoba ang commissioner ng National Telecommunications Commission.

NOEL FERRER

Nakakatuwa lang na kahit ang Kapuso stars na nahihingan ng opinyon tungkol dito, tulad ni Dingdong Dantes, ay nagsasabing lahat ay may kalayaang makapagpahayag.

Kaya naman kung may obligasyon man na dapat tuparin ng ABS-CBN ay hayaan silang sagutin at bunuin iyon.

Pero saan din naman dapat hahantong ang lahat kundi ang pagpapatuloy nila ng serbisyo publiko, bukod pa sa mga taong umaasa ng kabuhayan dito.

Continue reading below ↓

Sa mga panayam ng mga boss ng Kapamilya network, sinasabi naman nilang tuloy ang buhay, ma-renew man o hindi ang kanilang prangkisa.

Pero sana nga.

JERRY OLEA

Nitong mga nakaraang buwan na matunog na malabong ma-renew ang franchise ng ABS-CBN Network, wala nang Kapuso artist na nag-ober da bakod. Wala nang natsismis na nagbabalak maging Kapamilya.

Marami-rami sa Kapamilya artists ang nagpahayag ng loyalty sa kanilang mother network, gaya nina Jed Madela at Angeline Quinto na bida sa Voices for Love concert sa Pebrero 12, Miyerkules, sa Marriott Hotel.

Nitong Pebrero 6, Huwebes, ipinakilala ang Rise Artists Studio, ang talent management arm ng ABS-CBN Films in collaboration with Star Magic.

Nasa ilalim niyan ang mga baguhang sina Anthony Jennings, Arielle Roces, Belle Mariano, Charlie Dizon, CJ Salonga, Daniela Stranner, Gillian Vicencio, Jeremiah Lisbo, Kaori Oinuma, Markus Paterson, Patrick Quiroz, Rhys Miguel, at Vivoree.

Nitong Pebrero 7, Biyernes, opisyal nang Kapamilya sina Tony Labrusca, Donny Pangilinan, at Ivana Alawi.

Continue reading below ↓

Pumirma sila ng kontrata sa ABS-CBN Films.

Naniniwala ang mga artistang ito na makakatulong ang ABS-CBN sa pagsulong ng kani-kanyang career!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Grace Poe (left, with sister Lovi Poe and son Brian Llamanzares) on ABS-CBN franchise renewal: “Walang perpekto. May mga pagkakamali. Lahat naman iyan ay tinitimbang at mabibigyan ng pagkakataong iprisinta nila ang kanilang magiging plano kapag sila ay mabigyan ng dalawampu’t limang taon pa."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results