Gandang Gabi Vice, kaya bang kabugin ang Kapuso Mo, Jessica Soho?

by PEP Troika
Feb 8, 2020
Can Gandang Gabi Vice edge out Kapuso Mo, Jessica Soho in the ratings game? Vice Ganda's show moves to an earlier time slot starting Sunday, February 9.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin / @km_jessica_soho on Instagram

GORGY RULA

May pagbabago sa programming ng Sunday Primetime ng ABS-CBN simula bukas, Pebrero 9.

Aagahan na ang airing ng Gandang Gabi Vice (GGV), at hindi na ito itatapat sa The Boobay and Tekla Show, na madalas tumatalo sa programa ni Vice Ganda sa NUTAM People’s Ratings ng Nielsen Philippines.

Magsisimula na ang The Voice Teens sa ABS-CBN ngayong Sabado ng gabi, February 8, na susundan ng Maalaala Mo Kaya.

Meron ding The Voice Teens kapag Linggo, 8:15 p.m., na susundan ng GGV pagsapit ng 9:30 PM.

Ang makakatapat ng The Voice Teens at GGV ay ang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Pero ayon sa nasagap nating kuwento, hanggang ngayong Pebrero na lang ang GGV.

Sa February 23 na raw ang last episode nito, at simula Marso ay isasalang na ang bagong programa ni Vice Ganda na Everybody Sing.

Tingnan natin kung makakaya ng The Voice Teens at GGV na pataubin ang news and features program ni Jessica Soho, na consistently ay mataas ang rating, sa Nielsen Philippines man o sa Kantar Media.

Continue reading below ↓

Pagdating ng Sunday noontime naman ay matindi pa rin ang tapatan ng All-Out Sundays (AOS) at ASAP Natin ‘To.

Bukas sa AOS, special guests daw nila ang magkasintahang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado para i-promote ang kanilang CoLove concert na gaganapin sa New Frontier Theater sa February 15.

Sa Lunes, February 10, magsisimula na ang Descendants of the Sun, kaya todo pa rin ang promo nila sa AOS, kunsaan maglalaro sila sa "Familympics" kalaban ang cast ng Love of My Life.

Sabi pa sa akin ng mga taga-All-Out Sundays, may special production number ang mga promising nilang Kapuso leading men na sina Miguel Tanfelix, Rayver Cruz, Ken Chan, Derrick Monasterio, Ruru Madrid, Jeric Gonzales, Jak Roberto, at Paul Salas.

Sinu-sino po kaya sa kanila ang aangat at puwedeng ihanay sa A-list ng Kapuso leading men?

JERRY OLEA

Kaawa-awa dati ang Rated K noong katapat ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Continue reading below ↓

Pero inagapan ang timeslot ng programa ni Korina Sanchez, kaya umariba ito sa Game of Ratings.

Matagal nang namamayagpag ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa araw ng Linggo. Maski sa Kantar Media ay ito ang madalas na No. 1, at inilalampaso nang bonggang-bongga ang kasabay.

Kaabang-abang ang salpukan nina Vice at Jessica.

Hindi ba’t mainit na pinag-usapan ang rape joke ni Vice patungkol kay Jessica sa concert niya noong Mayo 17, 2013?

Hindi nagsalita si Jessica. Nag-public apology si Vice. Nag-survive ang programa niyang GGV.

Sadyang kapana-panabik ang pagtutuos nina Vice at Jessica!

NOEL FERRER

Kung magbabago man ng timeslot at magiging iba ang katapat, asahan natin ang pagbabago rin ng content ng mga palabas.

Sabi ko nga, sana’y magamit natin ang oras sa himpapawid para sa mas makabuluhang panoorin.

Sayang ang pagkakataon kung palalampasin lang natin, mababalewala at masasayang lang ang artime sa wala lang, di ba?

Exciting times really!

Continue reading below ↓

Katulad ng lagi kong sinasabi, sa huli’t huli, may the audience be the true winner!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Can Gandang Gabi Vice edge out Kapuso Mo, Jessica Soho in the ratings game? Vice Ganda's show moves to an earlier time slot starting Sunday, February 9.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin / @km_jessica_soho on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results