Iza Calzado, nag-enrol sa Ricky Lee scriptwriting workshop kahit maraming acting projects

by PEP Troika
Feb 9, 2020
Iza Calzado on enrolling in Ricky Lee's scriptwriting workshop: "Kung gusto, may paraan... and really, you never stop learning."
PHOTO/S: Noel Orsal

NOEL FERRER

Ngayong Pebrero 9, Linggo, pormal kaming nag-welcome ng bagong batch ng Ricky Lee Scriptwriting workshoppers.

Kaming Batch 22 ang naghanda ng kits at ng kakailanganin ng mga susunod naming mga kapatid na estudyante ni Maestro Ricky Lee, na as always ay interesting mix of students from different sectors.

Unang-una na lang ay ang Kapamilya actress at talent kong si Iza Calzado, na nagpa-free up talaga ng Sunday schedule niya, at nakiusap sa mga produksiyong may taping/shooting siya nang Sabado na sana’y igalang ang napagkasunduang cut-off para nakapaghahanda lagi sa kanyang klase.

Unang pasok pa lang ng bagong batch ay may tatlong pelikula na silang kailangang panoorin at dalawang chapter ng manual ang kailangang nabasa.

In fairness kay Izadora, pinaghandaan niya talaga ito, kahit na she’s dabbling in three major projects—a teleserye with Jodi Sta. Maria and Maricel Soriano, directed by FM Reyes; a monumental project with Jerold Tarog; and an HBO project with Mik Red.

Continue reading below ↓

“Kung gusto, may paraan... and really, you never stop learning,” sabi ni Iza, who continuously wants to be actively involved in the projects that she does, pati na sa advocacy work niya sa She Talks Asia at World Wildlife Fund (WWF).

Among the other celebs in this batch of workshoppers are actor Khalil Ramos, actress-producer Malouh Crisologo, and Harlene Bautista with friend Peter Serrano of the new Film Academy of the Philippines, ang tinatawag kong “face of 3rd world Cinema” na si Joel Saracho, pati na ang singer na si Bullet Dumas, at ang para ko na ring kapatid na si Direk Mike Tuviera.

Sa early photos na nakita ko ay nandoon din ang kaibigan natin from GMA-7 na si Senedy Que, ang nakasama ni Ricky sa pelikulang Culion na si Sir Peter Sing, at si Suzette Ranillo.

As for our batch, tuluy-tuloy ang aming script lab and pitching sessions sa iba’t ibang grupo, at excited kami sa projects na binubuo namin, kasama ang aming ipinagmamalaking mentor na si Ricky Lee.

Continue reading below ↓

Mamayang gabi, February 9, ay pararangalan si Ricky sa Film Ambassadors' Night (FAN) 2020 ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Congratulations and maraming salamat, Sir Ricky!

GORGY RULA

Nakakatuwa ang dedikasyon ni Iza sa kanyang career.

Sa kabila ng pagiging abala sa mga nakabinbing projects, naglalaan pa siya ng isang araw kada linggo para mag-aral kay Ricky Lee.

Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko sanang ilaan na lang ni Iza ang araw na iyon para sa kanila ni Ben.

Wala na siyang kailangang patunayan pa sa kanyang pagiging artista, kahit gusto pa niyang mag-aral sa scriptwriting.

Mas gusto ko sanang maglaan din siya ng araw para sa kanilang mag-asawa para makabuo na sila ng baby, di ba?

Samantala, naalala ko nga sa mga nakaraang interview kay Khalil Ramos na gusto niya talagang pasukin ang pagdidirek.

Kaya maganda rin yung simulan niya ang pag-aaral sa scriptwriting kay Sir Ricky Lee, bago siya magdirek.

Continue reading below ↓

Ganyan din ang ginawa noon ni Xian Lim na may mga naka-line up pa pala siyang materials na ididirek.

JERRY OLEA

Napakaraming scriptwriters ang tinuruan ni Sir Ricky all these years—nang libre.

Noon pa man ay inaasam kong maging National Artist si Sir Ricky, ganoon din sina Eddie Garcia at Direk Maryo J. de los Reyes.

Hindi mamamatay ang film industry hangga’t nandiyan ang mga nagmamahal at nagmamalasakit dito na gaya ni Maestro Ricky!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iza Calzado on enrolling in Ricky Lee's scriptwriting workshop: "Kung gusto, may paraan... and really, you never stop learning."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results