Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Albie Casiño, "maalat" ang Valentine's Day ngayong taon

by PEP Troika
Feb 10, 2020
Albie Casiño on why his breakup with non-showbiz girlfriend never made the headlines: “Ganoon talaga, e. That’s how I like it, di ba? Pag relationship, gusto ko, private lang.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Heartbroken si Albie Casiño.

Noong first week ng Nobyembre 2019 pa pala nakipaghiwalay sa kanya ang kanyang non-showbiz girlfriend na four years niyang karelasyon.

“Wala! Alat!” bulalas ni Albie nang kumustahin namin sa kanya ang nalalapit na Valentine’s Day.

Nakatsikahan namin si Albie bago ang programa ng FDCP Film Ambassadors’ Night nitong Pebrero 9, Linggo, sa Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig City.

Buong akala namin ay smooth sailing lang ang relationship ni Albie with his non-showbiz girlfriend. Hindi kasi sila naiintriga.

“Ganoon talaga, e. That’s how I like it, di ba?

"Pag relationship, gusto ko, private lang,” sambit ng binata.

"Malamig ang Pasko at Bagong Taon ni Albie, lalo pa’t nag-Amerika siya.

Lamig-lamigan din pala ang Araw ng mga Puso para sa kanya?

“OK lang, mainit naman dito sa Pilipinas, e!” pagbibiro ni Albie.

Wala pang bagong teleserye si Albie matapos ang Los Bastardos.

“Kakabalik ko lang last week from the States.

Continue reading below ↓

"So, hindi pa ako nakakapag-work talaga, pero I have a movie coming up,” kuwento ng Kapamilya actor.

“I don’t know if I can already talk about it. Hindi pa nga tapos iyong script, e.

"So, ayaw ko muna siyang pag-usapan.”

Dapat ay noong Enero 6 pa raw umuwi ng Pilipinas si Albie, pero na-push nang na-push ang pag-uwi niya dahil pinaghihilom niya ang sugat sa kanyang puso.

Hindi nagwo-worry si Albie sakaling hindi ma-renew ang franchise ng ABS-CBN, at maging digital na lang muna ang thrust nito.

Kasu-shoot pa lang niya ng digital project sa Kapamilya Network, at alam niyang hindi siya pababayaan ng talent manager niyang si Leo Dominguez.

Siyanga pala, kasama ni Albie ang co-stars sa Rainbow’s Sunset na sina Ross Pesigan at Shido Roxas sa pagtanggap ng parangal sa Film Ambassadors’ Night 2020.

Best Ensemble Acting kasi ang Rainbow’s Sunset sa International Film Festival Manhattan 2019 ng Manhattan, New York, USA.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Isa si Albie Casino sa young actors na totoong sumagot sa interviews.

Hindi siya nang-eeklay, at hindi showbiz ang sagot.

Noong sila pa ng non-showbiz girlfriend niya, iniiwasan niya itong pag-usapan dahil hindi ito showbiz.

Pero mas okay na rin sa kanyang sagutin ito kesa si Andi Eigenmann pa rin ang itanong sa kanya.

Ngayong wala na sila ng girlfriend niya, at single na naman siya, mas mabuti sigurong sa trabaho na muna siya mag-focus.

Ang suwerte niya dahil nandiyan ang pamilya niya na laging nakaalalay sa kanya.

Kaya kahit ano man ang pinagdadaanan niya, hindi ito ganoon kabigat dahil nandiyan ang mga magulang niyang hindi nagpapabaya sa kanya.

Mas okay nga ngayong hawak na siya ni Leo Dominguez dahil mas naayos ang takbo ng career, at alam ng manager niya kung ano ang tamang career path na tatahakin niya.

May suggestion lang sana ako, na ewan ko kung tama rin ito.

Continue reading below ↓

Napapansin ko kasi sa mga eksena ni Albie, madalas kinakain niya ang mga sinasabi niya.

Puwede kayang mag-speech lesson siya para maayos ang pagbitaw niya ng dialogues?

NOEL FERRER

Sa ensemble acting, you are only as good as the weakest member.

Sana, sa Rainbow’s Sunset man o sa Isa Pang Bahaghari, hindi naman weakest link si Albie.

At sana, makatulong na lang ang kanyang break up at iba pang matitinding karanasan sa buhay para maging mas mabuting aktor pa siya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Albie Casiño on why his breakup with non-showbiz girlfriend never made the headlines: “Ganoon talaga, e. That’s how I like it, di ba? Pag relationship, gusto ko, private lang.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results