Ina Raymundo, "sumikip" ang Filipiniana gown dahil sa lumpiang toge

by PEP Troika
Feb 10, 2020
Ina Raymundo, nagpasalamat kay Jennifer Lopez dahil sa pagtataas nito ng standard para sa mga kababaihang nasa 50s na.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Takaw-pansin ang cleavage ni Ina Raymundo sa FDCP Film Ambassadors’ Night nitong Pebrero 9, Linggo, sa Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig City.

“My gosh! I know, I know!” napangiting sambit ng fortysomething actress, na sinipat-sipat ang kanyang mga dibdib.

“Well... sumikip. Actually, napadami ang kain ko kahapon. Napunta lahat doon. I know. Sorry po, ha?

“Ang attire namin kasi is Rock Filipiniana.”

Lumpiang toge ang nilantakan ni Ina, na “nagpasikip” sa kanyang gown. Kering-keri naman niyang dalhin iyon.

Kahit alam ng mga tao na married na siya, may guys pa rin bang nagpapalipad-hangin sa kanya?

“Si Brad Pitt pa rin talaga,” pakli ni Ina, habang itinatakip ang kanyang buhok sa cleavage.

“Ayan, nahiya tuloy ako.”

Walang ibang guys?

Mabilis na umiling si Ina, “Wala, kasi naman, of course! If they know that I’ve five children... that’s, you know, a big responsibility, right?”

Sila ni Alice Dixson, andami pa ring guys na may crush, ha?!

Continue reading below ↓

Si Jennifer Lopez, 50 na pero nagmumura pa rin ang alindog sa Pepsi Super Bowl LIV Halftime Show noong Pebrero 2, Linggo, sa Hard Rock Stadium ng Miami Gardens, Florida.

Napatangu-tango si Ina, “Salamat, salamat. I’m so happy na, you know, age is just really a number now. Right?

“Na parang... salamat kay JLo.

"Kasi, siya talaga yung nagpataas ng ano, ng bar, standard—na kahit 50 ka, you can still rock it and you can still have the time of your life. Di ba?

“Parang noong sinaunang panahon, pag 50 ka, parang losyang na, wala na. Parang pababa na iyong status mo, or lola levels.

“But now, it’s different. Age is just a number!” pagdidiin pa ni Ina, na Best Actress sa 39th Fantasporto-Oporto International Film Festival (Porto, Portugal) para sa pelikulang Kuya Wes.

GORGY RULA

Nakakatuwa naman kasi talagang na-maintain ni Ina ang ganung ka-sexy na katawan kahit lima ang mga anak niya.

Continue reading below ↓

Isang guwapo at apat na magagandang babae ang mga anak niya.

Kinukumbinsi pala ang anak niyang lalaki na mag-showbiz, pero ayaw nito. Baseball ang hilig ni poging bagets.

Pero yung panganay at bunso niya ay baka puwede pa.

“Yung bunso ko, parang siya yung future Lady Gaga. She plays the piano, and she can sing, and she’s six years old.

“Parang yung spunk, yung ganun,” pakli ni Ina.

Mas okay sa kanyang siya lang ang showbiz sa pamilya.

Dahil may kani-kanyang hilig ang mga anak niya, at ang asawa niya ay nandiyan lang para sumuporta.

NOEL FERRER

Good that Ina Raymundo has evolved at napag-iwanan na niya ang pagiging Sabado Night girl to being a sensitive actress.

Actually, noon pa naman, nakagawa naman siya ng pelikulang makatuturan, ang Tuhog (2001).

Anyway, may she continue her evolution and reinvention as an actress, para hindi lang pagka-sexy at cleavage niya ang pag-uusapan, di ba?

Continue reading below ↓

Bravo, Ina!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ina Raymundo, nagpasalamat kay Jennifer Lopez dahil sa pagtataas nito ng standard para sa mga kababaihang nasa 50s na.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results